• Chapter 36.2 •The Wizard's Gem (part 2)

689 19 3
                                    

CHARMAINE

"Bakit kayo naparito?!" Tanong samin ng mga elfies na parang robot ang boses

"Narito kami para makuha ang Gem na pinapakuha saamin ng hari at reyna" sagot ko sakanila

"Bago niyo makuha ang gem dadaan muna mayo samin!" Sabi nila sabay harap sa bawat isa saamin

Agad kong nakita ang pagbabago ng kulay ng wand ng elfies na nakaharap namin. Nagkaroon ng mga kulay ng mga elemento namin ang wands nila, ibig sabihin nito'y ginaya na nila ang mga mahikang mayroon kami

Nilagyan ko ng shield ang aking sarili at naghanda para sa magiging atake ng aking kalaban

Mukhang mahihirapan akong kalabanin siya dahil parehas kami ng kapangyarihang gagamitin

Agad akong naglabas ng aking fire sword at sinubukang makalapit sakanya

Bago pa man ako makalapit sakanya ay agad syang naglabas ng tubig at ipinalibot ito sa kinaroroonan nya

Nagpalabas ako ng vines at sinamahan ko ito ng ice spikes sa kanyang paanan sabay palabas ng tornado sa magkabilang gilid niya ngunit sa pangalawang pagkakatao'y nakatakas siya dahil nakapagteleport sya sa likod ko

"Arghh!" Sigaw ko. Nagpakawala kasi siya ng ice daggers at natamaan ako nito sa braso

Kailangan kong mag isip ng mabuti kung paano ko maihihiwalay sakanya ang wand nya

Sabi nila, kalahati lang ang maaaring makuha o magaya ng mga nilalang na ito, at ang nagagaya lang naman nila ay ang mahika at hindi kung paano mag isip ang taong kalaban nito pano kaya kung...

Ginawa kong invisible ang aking sarili at nagteleport sa likod niya

Agad nya kong hinanap at nagpalinga linga

Gumawa ako ng clone ko sa pamamagitan ng light power at pinalitaw ito sa kanyang harapan

Agad naman nya itong inatake ngunit nagtaka siya noong nawala lang ang clone ko noong tinamaan nya ito

Nagpalabas muli ako ng isa kong clone na may hawak na espada habang ako'y bumwelo para umatake

Nang makabwelo, Agad ko syang inatake mula sa likod gamit ang fire sword ko sabay putol sa kanyang kamay.

Dinig ko ang iyak at malakas na sigaw nito dahil sa sakit

Pagkaputol ko sa kanyang kamay ay agad kong ipinalamon sa lupa ang kanyang wand at dinurog ito

Agad naman itong naglaho dahil ang wand pala nito ay nagsisilbi ring life source nila

Nilingon ko ang aking mga kaibiga't nakikita kong lahat sila'y may mga kalaban pa

Nanatili akong invisible at isa isang tinulungan ang aking mga kaibigan

Unti unti itong naubos at natalo na ang mga tagapagbantay

Nagpakita na ko sa aking mga kasama at patuloy parin ang pag agos ng dugo galing sa sugat sa aking braso

Agad ko naman iyon pinalibutan ng tubig para maheal

I'm the Princess of the Mistique Kingdom (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon