Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

CHAPTER 11

311K 5.7K 136
                                    

Chapter Eleven

Through His Eyes


"Nesca! Nasaan ka na ba kasi? Sunduin mo kaya ako rito!" inis na sabi ko sa kabilang linya habang nasa isang sulok ng classroom.

Kanina pa natapos ang klase kay Mr. Franco pero hindi pa rin ako lumalabas ng silid na 'yon. 'Yong kindat na 'yon? I am scared! Ayaw ko! Kung bakit ba kasi ngayon pa busy 'tong si Nescafé!

"Relax! Ano ba kasing nangyari?" pabulong niyang sagot sa 'kin.

Alam kong nasa library na naman ito.

"Gusto mo ba talaga akong matagpuang wala nang malay sa room na 'to? Nesca naman... Mahal mo ko 'di ba? Halika na kasi!" Sumilip ako sa puwang ng glass window.

Kaunti lang ang mga estudyanteng naroon pero pakiramdam ko'y lahat sila, ako ang gustong makita! Paranoid na ako nang sobra!

Huminga ako nang malalim.

"Julia, ano kasi... Kasama ko kasi si Leonne." Sa sinabi niyang 'yon ay rumolyo ang mga mata ko.

"Si Leonne o ako?" Kung hindi lang talaga matter of life and death ito ay hindi ko naman siya iistorbohin eh.

Of course, ayaw ko rin namang masira ang moment nila ni Leonne. 'Yong ultimate crush niya, slash best friend, slash friend zoned!

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Three minutes..." pabulong niyang sabi kasabay ng pagputol ng tawag.

"Nesca―" Inis kong tinago ang cellphone ko sa aking bag. Kinuha ko rin doon ang aking itim na ball cap.

Ugh! Kung sana'y nandito lang si Harren.

Isang minuto pa lang ang lumipas ay nainip na ako. Muli akong sumilip sa bintana. Nang kaunti na lang ang mga nakikita kong estudyante ay marahan kong pinihit ang doorknob at dali-daling lumabas doon. Hawak ang sumbrero ko at yakap ang iilang librong ibabalik ko sa library.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang may isang kamay na humawak sa braso ko dahilan para mabuwag ang pagkakayakap ko sa aking mga libro at mapaharap sa kung sino. Halos masubsob pa ako sa dibdib niya.

"Ano―"

Daig ko pa ang sinakluban ng langit at lupa nang mag-angat ako ng tingin at masulyapan ang almond niyang mga mata.

Pakiramdam ko'y huminto ang paghinga ko nang umarko ang kanyang mga labi. Is he happy to finally found me and kill me later on?

Ngayon ko lang siya nakita nang ganito ka-close. I wasn't paying attention the first time we've met. Wala akong pakialam no'n sa kanya pero ngayon... Sinuri ko ang mukha niya. He has deep set of almond eyes. Sumisigaw ang utak ko. I love almonds!

His nose... that lips... His skin! Gusto kong mahiya. 'Yong mukha niyang hindi alam ang kahulugan ng tigyawat. Nasu-suffocate ako sa pagdikit ng mga katawan namin.

Ganito ba ang benefits ng pagiging mayaman? Parang hindi man lang siya nadapuan ng lamok sa tanang buhay niya. And wow, he smells so manly. Wait... Am I impressed by his rugged handsome look?! Handsome? Wow, you gotta be kidding me!

Siguro nga, hindi ako pangit. Mahirap lang talaga kami.

"Finally, Juliana Arevalo. We meet again." Naputol ang mga kahibangan sa utak ko nang magsalita siya.

His voice sent shivers down my spine.

Lahat na yata ng santo ay tinawag ko na huwag lang magkatotoo ang nangyayari ngayon.

Under Pleasure ( TBS 1 - Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon