Chapter 28

331K 13.9K 3.5K
                                    

SPG ( Mas intense yata sa His Bite. Lol )


Chapter 28


Pakiramdam ko ay hinaplos ng kakaibang init ang puso ko nang marinig ko sa aking isipan ang mga sinabi ni Adam. Maraming beses ko nang narinig sa kanya ang salitang ito pero hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa halip ay mas lalong tumitindi ang pagtibok ng aking puso sa tuwing nagpapahayag siya sa akin ng pagmamahal.


'Sweetheart?'


'Lily..'


'Lily..' nawala ako sa aking pag iisip nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Adam.

Kasalukuyan pa rin kaming tumatakbo sa gitna ng kagubatan habang nakasakay ako sa kanyang likuran.


'Hindi mo na ako sinagot..'


'Alam kong alam mo na ang isasagot ko sa'yo Adam..' marahan kong hinaplos ang makapal niyang balahibo hanggang sa kusa akong yumakap sa kanya.

I can feel the softness and warm from his brown fur. Para akong pinakakalma at inihehele ng makakapal niyang balahibo na parang gugustuhin ko nang hindi humiwalay dito.

Adam's back is my haven, it is not just the comfortable feeling but also the feeling of protectiveness and love with him. Ramdam na ramdam ko ito mula sa mga balahibo niyang yumayakap sa aking mga balat.

Mas higit ko pang gugustuhing matulog sa likuran ni Adam kaysa sa magagandang kama sa palasyo.


'But I want to hear it from you Lily..' mas lalo kong iniyapos ang buo kong katawan sa kanya. Nawawalan na ako ng lakas makipag usap sa kanya, masyado na akong nahihipnotismo sa anyong lobo niya.

Adam's human form is unexplainable, gorgeous is not enough for him, he is hotter than a burning fire and delicious? No, he is more than delectable as always. But his wolf form? It's damn heaven.


'Lily..'


'Yes?' sagot ko na lamang sa kanya.


'Naririnig ko lang na mahal mo ako kapag gusto mong kumagat sa akin Lily..' tuluyan na akong natauhan sa sinabi ni Adam at nawala ang pagkakayakap ko sa kanya.


'You're such a baby Adam, I always love you. Kakagat man ako sa'yo o hindi. I am not just into words. I am more on actions..' muli akong yumakap sa kanya at marahan kong hinaplos ang leeg niya. Sinadya kong mas idiin ang katawan ko sa kanya at mas inilapit ko ang mga labi ko sa kanyang tenga.


'So where are we going? Are you going to take me at Eberron's palace?' narinig ko siyang tumawa sa isipan ko.


'Do you think I'll take you there?' tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.


'Hindi rin ako papayag na dadalhin mo ako sa palasyo ng Eberron. They can fight in there but we need to have our own fight first my Adam..' muli na naman siyang natawa sa sinabi ko.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon