Chapter 41

264K 11.7K 1.4K
                                    

Chapter 41


Ipinangako ko sa sarili kong hindi ako magpapadala sa anumang sasabihin ng mga lobo sa akin. Tulad nga ng paunang sabi ni Lucas may sarili silang bersyon na kaiba sa aming mga bampira pero papaano ko mapipilit ang sarili kong maging matatag at hindi maniwala sa mga sinasabi nila kung ang bawat mga sinasabi nila ay nagtutugma tugma?

Bahagya kong sinulyapan ang bintana, malapit nang dumilim. Hindi na ako maaaring magtagal pa sa lugar na ito. Muli akong humarap sa kanila para sa huli kong katanungan.


"Kung sakaling totoo ang sinasabi niyong may dyosang itinatago ang mga hari.." nag aalinlangan ako kung itutuloy ko pa ang aking sasabihin. Gusto ko nang masolusyonan ang lahat ng ito. Kung ganoon ay may nalalaman din dito si Dastan?

Papaano pa ito masosolusyunan? Siguradong hindi lang kami ni Adam ang bampira at lobong muling magmamahal sa isa't isa. Paulit ulit lamang itong mangyayari, paulit ulit lamang ang masakit na paghihiwalay.


"Lily.." tawag ni Adam habang hinihintay nila ang anumang sasabihin ko.


"Maaari kayang magbago ang lahat sa sandaling mahanap ko ang itinatago nilang dyosa?" tanong ko sa kanilang tatlo.


"Sa tingin mo ba ay hahayaan ka ng bawat hari ng mga imperyo? Baka hindi mo na nalalaman gumagawa na sila ng hakbang para tapusin ang buhay mo. Handa ka bang sirain ang sariling pangalan ng lahi mo at isiwalat ang katotohanan?" seryosong tanong sa akin ni Ledare. Napaisip ako ng ilang minuto sa sinabi niya.

Handa na nga ba ako? Isang napakalaking eskandalo ito hindi lamang sa loob ng Parsua kundi pati na rin sa mga natitira pang naglalakihang imperyo.


"But do you think my brother will allow it? Dastan will do everything to protect me. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa akin.." giit ko.


"But your brother is not powerful enough Lily. We are talking about the five big empires. Parsua Sartorias lamang ang tanging hawak nyo.." sabat ni Adam.


"Then I'll do everything no matter what it takes Adam. I am a Gazellian, I am born fighter.." pinakatitigan niya lang ako sa sinabi ko pero kitang kita ko sa mga mata niya ang hindi pagsang ayon sa sinabi ko.


"How? Maaari mo bang sabihin sa akin mahal na prinsesa?" tanong sa akin ni Lucas. Kanina niya pang hinahamak ang kakayahan ko.


"I will release the goddess! Hihilingin ko sa kanya na bawiin niya ang kahilingan ng lobo, sasabihin ko sa kanya na hindi kasalanan ng mga nagmamahalan sa kasalukuyan ang mga kasalanan nagawa ng mga nilalang sa nakaraan.." mahabang paliwanag ko.


"Sa tingin mo ba ay magtitiwala pa ang dyosa sa isang bampira? Ipinapaalala ko mahal na prinsesa ikinulong nyo siya ng napakahabang panahon.." natigilan ako sa sinabi ni Ledare. Papaano ko mahuhuli ang puso ng dyosa kung ako mismo ay kabilang sa lahing nagpasakit sa kanya?


"Anong gusto nyong gawin ko? Do nothing? Die without fighting? Kayo na mismo ang nagsabi sa akin na muling bababa ang isa sa mga dyosa mula sa buwan sa kung anuman niyang dahilan, kung gagawa ba siya ng paraan para maligtas ang matagal nang itinatagong dyosa? o sadyang gusto niya lang akong patayin para linisin ang pagkakamali niyang nagpares siya ng isang lobo at bampira!" napatayo si Adam sa sinabi ko.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon