Chapter 42

237K 12.3K 3K
                                    

Chapter 42


I regained my energy through Dastan's blood. I tried to push his wrist but he insisted.


"Lily, just drink.." malamig na sabi nito. Wala na akong pinagpilian, saka niya lamang inihiwalay ang kanyang palapulsuhan mula sa akin nang maramdaman niyang tuluyan nang bumalik ang lakas ko.

Pansin ko na may pinatawag na siyang matandang babaylan para masuri ang totoong kalagayan ko. Hindi din nagtagal ay nakumpirma nilang totooo ang sinasabi ko. The next lunar eclipse is my last day in this world.


"Papaanong nangyari ito Lily? Did you allow them to put it on you? Hindi mo ba iniisip na ginagamit ka lang nila?" maybe they're just using me? o maaaring hindi nagsasabi ng totoo si Dastan? Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan.


"Matagal na itong nasa akin Dastan, bago pa man kami nagtungo sa Halla Eberron marami na kaming pinagdaaanan. Evan, Finn and even Rosh were poisoned during our journey. We did encounter a certain tent where no vampires nor every other creatures can use their strength and power.." nakakunot ang noo ni Dastan habang nagkukwento ako.


"You went inside there!? That was a forbidden place.." umiling ako sa sinabi ni Dastan.


"Sinabi ni Rosh na maaari kaming pumasok dito na hindi ito illegal.." sagot ko sa kanya.


"Fvck, that idiot.." hawak na niya ang kanyang noo dahil sa mga sinasabi ko.


"Why you didn't tell me, dapat ay sinabi mo na agad ang tungkol dito!" halos mapapikit na lang ako sa sigaw niya sa akin. Pinili naming itago ni Evan at Finn ang lahat ng nangyari sa paglalakbay na 'yon dahil naniwala kaming ito ang mas nakakabuti. Mali ba ang naging desisyon namin?


"Why? Do you think there's something we can do about this? It is not a disease, walang lunas dito Dastan. She'll use my body and nothing will be able to stop her from doing it.." lumingon si Dastan sa matandang babaylan para humingi ng kasagutan dito pero mahina lamang ito umiling sa aming magkapatid.

Kung hindi totoong may itinatagong dyosa ang mga hari, ano ang matinding dahilan ng dyosa para bumaba sa mundong ito? Fvck!


"Mawawala lamang ang bisa ng Glaoch sa katawan nang isang nilalang kung hindi na papasyahing bumaba ng dyosa sa lupa.." paliwanag ng babaylan sa amin.


"May maaari ba kaming gawin para pigilan ito?" tanong ni Dastan. Muli itong umiling.


"See? I am now asking your blessing Dastan, ngayong gabi ay hayaan mo na akong tumakas. Hayaan mo na akong lumayo at maging masaya. We can't do anything about this.." nagpaalam na sa amin ang babaylan nang mapansin nitong sa pagitan na lang naming magkapatid ang usapan.


"Lily.." sa unang pagkakataon ay nakita ko ang mga mata ni Dastan. It was a mixture of sadness, pain and confusion.


"My time is tickling your highness.." huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Magkapatong ang mga noo namin sa isa't isa habang hinihintay ko ang sasabihin niya.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon