Chapter 49

268K 12.4K 4.8K
                                    

Chapter 49


War is always ruthless. Shred with blood, boundless death and endless cry of agony. A never ending pain with overflowing tears and thousands of life sacrifices.

Ilang beses kong sinabi sa sarili kong ipinanganak ako bilang isang prinsesang mandirigma. Gazellians are born fighters, we never hold back for what we believed for and we'll fight for it no matter what happens. But I never wanted war, I never wanted blood bath and I never wanted death.

Maraming beses na akong naharap sa iba't ibang klase ng digmaan sa tagal nang pananatili ko sa mundong ito, pero kahit minsan ay hindi ko inakalang darating ang pagkakataon na ako mismo ang magsisindi ng isang panibagong pangmalawakang digmaan.

Nakakarinig ako ng walang katapusang putukan ng mga kanyon, ingay ng mga panang lumilipad mula sa iba't ibang direksyon, mararahas na yabag ng mga kabayo at pagtama ng napakaraming sandata sa isa't isa.

Sobrang dami nang dugo ang nawawala sa akin, unting unti nang nanghihina ang aking katawan. Sa kabila nang panghihina ko ay nararamdaman ang mga bisig ng pangalawang prinsipe ng Deltora habang panay ito sa pagtawag sa aking pangalan.


"Lily! Stay with me! Fvck! Damn heal her!" sigaw na ito nang sigaw sa dalawang babaylang pinagtutulungan gamutin ang malalim na tama sa aking katawan. May lason ang mga panang kanilang ginagamit at ramdam kong unti unti na itong kumakalat.

Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang kanyang nag aalalang mukha at ang madilim na kalangitan. Napapalibutan na din kami nang nagtatayugang matatalim na halaman na siyang pumuprotekta sa amin.


"Si A--dam.." nangangatal na sabi ko.


"He's fine, he's fighting outside the barrier. He's protecting you" pagpapakalma sa akin ni Rosh. Bigla na lamang akong nakaramdam nang dagok mula sa aking likuran dahilan kung bakit bigla akong napabangon. Muli akong sumuka ng sarili kong dugo.


"What the--- what the fvck are you doing?! I said heal her!" muling sigaw ni Rosh na mas lalong naalarma sa nakikita niya sa akin.


"Ma--hal na prinsipe uma--bot na po sa puso ng prinsesa ang la--son." mahinang sabi ng isang babaylan. What? Umabot na sa puso ko? Wala na ba talaga silang magagawa sa akin? Kusang umagos ang aking mga luha dahil sa aking narinig.


"Mga inutil!" galit na galit na sabi ni Rosh. Muling niyugyog ni Rosh ang balikat ko. Bakit kung kailan nakaabot na ako sa Parsua ay kailangan pa akong tamaan ng panang may lason?

Papaano na ang pinaghirapan nilang lahat kung mauuwi lamang ako sa kamatayan? Papaano na ang lahat ng mga bagay na ginawa ng mga kapatid ko kung babawian din ako ng buhay?

Walang humapay sa pag agos ang aking mga luha habang pilit kong hinuhuli ang mga mata ng ikalawang prinsipe ng Deltora. Ramdam ko ang pangangatal ng bisig niya habang pinagmamasdan niya ako. Sa nanghihina kong kamay ay pilit kong inabot ang kanyang mga pisngi.


"Rosh, nag—ma--makaawa ako sa'yo. Don't let me die, ayo--ko pang m--amatay mahal na prinsipe, ayoko pang ma--matay. Nagmama--kaawa ako sa'yo, hu—wag mo a—kong ha—yaang mama--tay" ramdam ko ang maiinit na luhang naglalandas sa aking mga pisngi habang nagmamakaawa ako sa kanya.


"Lily.."


"Ma--hal na prin--sipe, gusto ko pang mabuhay. Huwag mo a—kong—" hindi ko na maituloy ang aking pagsasalita nang may panibagong dugong kumawala sa aking bibig.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon