4 : Thánatos Twins (pt. 1)

49.2K 1.2K 64
                                    


HELL


Bwisit. Bwisit. BWISIT!

Nan-gigigil ako! Gusto ko manuntok ulit! Nasuntok ko kasi ang nakasalubong ko kanina. Bwisit na lalaking yon. Sino ba siya para sabihin sa akin yon? The nerve!

Walang katok-katok ay sinipa ko ang pinto na nasa harap ko which is the door from room III-white. Nasira naman ang pinto at unti-unting bumagsak. 

Natahimik pa ang lahat habang pinag mamasdan na tuluyang malag-lag ang sirang pinto. Pati mga panga nila nalag-lag rin. Lahat sila ay nabaling ang tingin sa akin at nanlaki ang mata. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Damon." malamig na banggit ko. Agad naman siyang napatayo at lumapit sa akin. Tumalikod na ako at aalis na sana nang....

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" biglang tanong nung guro sa unahan. Tss.

Agad kong hinugot ang throwing knife na nakatago sa ilalim ng palda ko at hinagis sa kanya. Dumaan ito sakto sa gilid ng mukha niya. Nanlaki naman ng wala sa oras ang mga mata niya at namutla kasabay nito ang pag-tulo ng dugo mula sa kanang tenga niya.

Malamig ko siyang tinignan, "Mind your own business." I said coldly leaving them dumb-founded.

Nag-salita lang si Damon nang nasa car park na kami ng school. "Hey, something wrong?" asked he, "Where are we going?"

Tumigil ako sa pag-lalakad at tinignan siya, "UG." sabi ko lang at tuluyan ng sumakay ng kotse.



DAMON


Damn. Mukang bad mood si sis. Ano kayang nangyari dito at nag-aya bigla na pumunta ng UG? Napailing nalang ako. Kawawa ang ang makakalaban ni twinnie.

Wala pang 20 minutes ay nandito na kami. Nang lumabas kami ng kotse ay agad napatingin sa amin ang mga tambay labas. Maaga pa naman kasi kaya mas marami ang tao sa labas ng arena kesa sa loob dahil wala pa masiyadong nag-lalaban ng ganitong oras.

We started to walk towards the entrance and all eyes on us. Sino ba namang hindi? My twins and I are HOT that's why. 

We're still wearing our uniforms but without the coat dahil iyon lang naman ang may logo ng school namin. We are also wearing half mask na mata at ilong lang ang natatakpan. Black ang sa akin at bloody red naman ang kay twinnie.

Tumingin ako kay noona at tumango siya kaya lumapit ako sa MC na nasa gitna ng arena. "We want to fight. No rules." sabi ko.

Tumango naman ang MC at in-announce ang gusto naming battle. Napansin ko rin na nag-sipasukan ang mga nasa labas kanina.

May pitong lalaki naman na umakyat ng arena at lumapit sa amin.

"What's the deal?" nakangising tanong ng nasa gitna. I guess it's their leader.

"My car, WxFox." my sister said.

Agad kaming napatingin sa kanya. Seriously? Bakit iyon? Sabagay hindi naman nila matatalo si sis at ako.

Napatayo naman ng tuwid ang makakalaban namin. Tinignan ng leader nila si kambal ng buo at saka ngumisi, "Paano ba yan? I want the car.... and you."

Muntik ko na siyang masuntok nang biglang mag-salita si sis, "Fine then," nanlaki ang mata ko at lalo namang napangisi ang leader. THE FCK NO?!

"But if we won... I want your lives." bigla akong kinilabutan.

Nakakatakot talaga si twin kapag seryoso. Nawala ang ngisi nung leader at napalunok pero agad ring nakabawi. "Tsk, deal." sagot nito na ikinangisi ko. Ngayon palang ipag-dadasal ko na kayo.

Pumwesto na kami at tinignan namin ang MC. 

"Huwag na nating patagalin pa ang laban! From my right side we have the top 6 gang, The Dark Bladers!!!" 

Nag hiyawan naman ang mga gangs na nanood. Top 6? Nice.

"And from my left side we have...." tinigan kami nung MC.

"Double T." bored kong sabi at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa ko.

"H.. huh?" tanong nung MC. Ay tanga.

Mag-sasalita na sana ako ulit pero...

"Thánatos Twins." sabi ng isang seryoso at malamig na tinig.

Natahimik ang buong arena. Pati ang kaharap namin ay mukang naistatwa.

"Aren't we gonna start now?" seryoso niyang tanong at pinatunog ang mga buto sa kamay at leeg. Napangisi ako at ginawa rin iyon.

"F- From my left side we have the... T- Thánatos T- Twins!" nanginginig na sabi ng MC.

Unti-unting umingay ang arena hanggang sa mag-hiyawan ang lahat.

"Nandito ang twins!!!"

"Hindi ko inaasahan na nandito sila."

"Kailan pa sila dumating?"

"GO DOUBLE T!"

"Grabe nakakatakot nga sila sa personal."

At kung ano-ano pang sigaw ang naririnig ko. Tss. Ingay.

Nasabi ko bang gangster kami ni kambal? Well, hindi naman kami makakapasok dito kung hindi. Katulad ng parents namin ay gumawa rin kami ng gang consist of six members. Si twinnie ang leader at ako ang kanang kamay niya. Pero may isa pa kaming pangalan na kilalang kilala sa Gangster World...

Iyon ang Double T o mas kilala sa pangalang Thánatos Twins which means Death.

Bigla kaming nakarinig ng isang malakas na bell na hudyat na simula na ng laban. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga  manonood.

Tinignan ko ang kalaban namin at napangisi.

Goodluck sa inyo. Swerte nalang kayo kung.... may makakalabas pa sa inyo ng buhay.



✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

Author:

Kamusta?

COMMENT naman dyan mga bes! VOTE narin para happy happy. lol.

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon