Seventeen "The Answer"

38.9K 1K 92
                                    

HELL

Dalawang araw na ang lumipas simula noong pumasok ako sa black room na 'yon at ni isang anino nila ay wala rin akong makita. Balik boring na muli ang buhay istudyante ko. Hayst, bakit kasi nag-aaral pa ako? Dapat tapos na ako ngayon dahil nag-advance agad ako ng dalawang taon noon pero dahil kay Damon ay balik highschool ulit ako.

"Where are you going?" Cess asked.

"Out."

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya at lumabas na agad ng classroom. May pupuntahan ako ngayon, tapos na ang oras niya.

THIRD PERSON

Kinakabahan na nakaupo ang grupo ni Blake sa kanilang HQ— ang Dark Bladders.

Tapos na ang tatlong araw na ibinigay sa kanila ni Hell at isa lang ang pwedeng kahinatnan nila sa kanilang desisyon— ang manatili pa sa mundong 'to o tuluyan ng mawala.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, leader?" Kinakabanhang tanong ng isang myembro.

"Hindi basta-basta ang Thanatós Twins. Baka may masamang intensyon sila sa'tin." Sabi pa ng isang myembro na meron pang benda ang kamay.

"Muntik na nga tayong mabura dahil sa kanila." Sabi ng isa na kalalabas lang ng ospital nitong isang araw.

"At TULUYAN tayong mabubura sa maling desisyon natin." Sagot ng kanang kamay ni Blade.

Natahimik naman sila habang napakamot nalang ulo ang kanilang leader. Hindi niya inaasahan ang biglang pag-kuha ni Hell sa kanila bilang underling ng grupo nila. Isa itong karangalan dahil siya pa mismo ang lumapit sa kanya pero ang hindi mawala sa isip niya ay bakit biglaan? Bakit ang grupo nila?

Malalim na napabuntong hininga nalang ang kanilang leader.

"Mukang seryoso yata ang pinag-uusapan niyo?" Mula sa isang malamig na tinig.

Halos mag-taasan naman lahat ng balahibo sa katawan ng grupo ni Blade ng marinig iyon. Tila ba naistatwa ang mga ito sa kanilang kinauupuan at nanlamig.

Nilingon ni Blade ang taong iyon at nanlaki ang kanyang mata ng makitang nasa likod niya lamang ito.

"Sh*t!" Gulat na napatayo ai Blade sa kanyang upuan.

Napangisi naman si Hell, "Nice reaction."

Katahimikan.....

"H- how did y- you know this place?" Blade asked.

Hell shrugged, "simple, I know everything." Makabuluhang sabi nito at prenteng umupo sa kaniyang upuan.

Nanlalamig na pinanood lang ng grupo ang mga kilos ng dalaga. Pakiramdam nila naputulan sila ng dila presensya palang niya. Nakasuot ito ng half mask na itaas na bahagi lamang ng mukha ang natatakpan at kitang-kita ang napakaganda nitong mata ngunit napakalamig.

"You," Hell at itinuro si Blade, "You may sit down." Sabi nito at itinuro ang maliit na lamesa sa harap niya.

"Eh?"

"Baka, sit in front of me." Hell.

Agad namang umupo si Blade rito, baka kung ano pa ang magawa ni Hell sa kanya.

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon