Forty One "Gone Crazy"

35.9K 822 197
                                    

*ahem* PAALALA lang! Rated SPG. Hahahaha :P Yun mga puso niyo po. 


***


DAMON

*boogsh!*

*dug*

Pinagpag ko ang kamay ko at lumingon kay Hazel nang matapos kong pag-untugin ang dalawang tao na natitirang sumugod sa amin kani-kanina lang. Napatungo nalang siya nang mag-tama ang tingin namin.

"Wala pang limang minuto nang makabalik tayo nakahakot ka na agad ng gulo." naiiling na sabi ko at naglakad papalapit sa kanya habang tumitingin sa paligid.

Papasok na dapat kami nang bigla kaming harangin ng sampung kalalakihan na 'to. Mukang inabangan talaga nila siya. Nakwento niya na sakin kung bakit siya hinahabol ng mga 'to at kung bakit siya kinidnap noon. Sa lahat ng kakalabanin ang leader ng Black Mambas pa talaga.  Kasama sa top 10 gang ng Philippines at isa sa may pinakamaraming underlings.  I just sighed. What a troublesome girl.

"Sorry." Agad na sabi niya nang makalapit ako sa kanya. Pinitik ko nga ang noo niya. Agad naman siyang napahawak doon at mabilis na inayos ang bangs niya. Binigyan niya ko ng masamang tingin kaya nginisian ko lang siya. "Tara na, baka may second batch pa ang mga 'to." sabi ko at hinila na siya papasok ng gate.

Ramdam ko naman ang mga tingin na binibigay ng mga nakakasalubong at nadadaanan namin. Nang lingunin ko si Hazel ay nakatungo lang ito. Napatingin ako sa tinitignan niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya kaya napaangat ang tingin niya sa'kin. "Wag mo silang pansinin. Inggit lang ang mga yan." sabi ko. Nakita ko naman ang biglang pagpula ng pisngi niya. Bahagya akong napangiti pero agad itong inalis at ibinalik ang tingin sa daan.

Papasok na kami ng building nang makita kong lumabas mula rito ang kakambal ko na isang linggo ko ng hindi nakikita. Napatigil naman ako. "Bakit?" tanong ni Hazel. Hindi ko siya sinagot at tinignan lang ang papalayong kapatid ko habang kasama ang myembro ng 7th Kill. Napakunot ang noo ko. Why is she with them right now?

"Sinong tinitignan mo?" napatingin ako kay Hazel nang tanungin niya ito. "Ah, wala. Let's go." sabi ko nalang at hinila na muli siya. Tumingin muli ako sa dereksyon na dinaanan ni kambal. Alam kong alam niya na nandito ako nakatingin sa kanya pero hindi manlang niya ako tinignan. What are you doing Hell?


HAILEE

This is bad. Ano ng gagawin namin?

"Ano na?" tanong ko. "Wala parin. Nakablock talaga ang mga cctv. It means nandoon talaga si Uno." sagot ni Samuel habang nakatutok sa laptop niya.

Nagkatinginan naman muli kami. This is really bad, pero hindi naman siguro makakalapit sa dulo ang estudyanteng 'yon dahil kakaiba ang hallway na iyon. Napakagat nalang ako ng labi dahil sa mga posibleng mangyari. Lagot kami kay leader kapag may nang-istorbo sa kanya.

"No choice" biglang sabi ni Kleid at tumayo mula sa pagkakaupo. "We need to stop this trouble." sabi pa niya at nauna ng lumabas. Nagkatinginan naman muli kami at nagmadaling sumunod sa kanya.

Hayst. Ayaw pa naman ni leader ng istorbo. Bahala na.


Pag-labas namin ng HQ ay halos lahat napapatingin sa'min at ang iba naman ay napapatungo nalang pagnadadaanan namin sila. Ang iba ay mabilis na nagtatabihan sa daraanan namin. I sighed. We are already used to this pero minsan nakakairita ang mga kilos nila. Gusto ko parin naman maging normal na istudyante.

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon