Lighten Up!

8.8K 145 7
                                    

WALA NG PASOK ! BAKASYON NA ! 

HAPPY SUMMER Readers ! 

"Sshh.. You know the right thing to do, Katie .. Go back to him.. Start anew with him.. Tell him you're going to have a child.. Give your child a complete happy family he deserve." -Roi to Kate.

Happy 31K reads!!! Actually going 32 na siya at super thank you kasi kahit 2 weeks akong walang UD anjan pa rin kayo !! Madamo gid nga salamat ! 

#lovelovelove

ENJOY !

------------------------------------------------------------

Kate's POV

Nagulat ako nang makita ko kung sino ang taong kumatok .. Walang iba kundi si 

Roi..

"Roi, ikaw pala.. akala ko kung sino eh.." nakangiti kong bati sa kanya.

"Sorry kung nabigla kita. Dinalaw kita ngayon kasi alam kong kabuwanan mo na at kailangan mo ko ko ngayon lalo na't anytime ay lalabas na yung junior mo." natatawang sabi nito sa akin.

"Naku ! Maraming thank you ha ? Di ko na alam kung anong nangyari sakin ngayon kung wala ka ." pagpapasalamat ko dito.

"Pano ? Nakapamili ka na ba ng mga gamit ni baby?" tanong nito sa akin.

"Medyo. Kumpleto na yung mga damit niya yung iba pang kailangan niya pinahiram ako ni Aling Kareng tulad ng thermos tsaka mini orocan lalagyan ng damit ni baby." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Gusto mo mag-shopping tayo ngayon ? Kumpletuhin na natin, dagdagan natin yung mga damit ni baby." suhestyon nito.

"Naku, okay lang. Ayoko din naman na palakihin sa mamahaling bagay itong anak ko. Mahirap lang kami kaya gusto kong lumaki siyang kuntento sa kung ano mang meron siya." taas-noo kong sagot dito.

"Mukang napakaswerte ng baby mo, bukod sa maganda na ang mommy, mukang magiging maganda ang pagpapalaki mo sa baby mo. Sabi ko naman kasi sayo pwede naman akong maging daddy niyan eh .." biro nito sa akin.

"Ano ka ba ? Gusto mong isumbong kita kay Abby ? " Pabiro ko ring sagot dito. 

"Ito naman di na mabiro. Mahal ko yun noh .. " natatawang sagot nito. 

Si Abby ang girlfriend ni Roi. Three years na silang mag-on at nakilala ko na rin ito. Maswerte si Roi sa kanya, ramdam ko yung dahil bukod sa maganda ito ay mabait pa at mapagmahal. No doubt na nainlove dito si Roi.

"Roi.. Bakit kasi di nalang kayo gumawa ni Abby ng baby para maging opisyal na daddy ka na!" biro ko dito.

"Ano ka ba, kahit gusto ko eh ayaw pa ni Abby. Gusto niya 26 years old daw siya mag-settle down." seryosong sabi nito.

"Hay naku.. wag kang mag-drama! Di bagay sayo, unggoy ! Pwede mo namang ituring na baby niyo rin ni Abby 'tong baby ko. " pagpapagaan ng loob ko sa kanya.

"Syempre baby talaga namin yan ! Mahal ko din yang magiging pamangkin ko noh .. " natatawang sagot nito.

"Naku, siguraduhin niyo lang na malaki ang pakimkim niyo  sa binyag nito ah.." biro ko dito.

"Okay na ba 100k jan?" pabirong sagot nito.

"Wow.. Yabang ah .. Baka maniwala ako niyan.." pang-aasar ko dito.

"Joke lang .. Mahirap na baka maniwala ka pa .. " natatwang bawi nito sa sinabi.

Natawa na lang din ako sa sinabi niya.

Way Back Home (AWWBTHHH)Where stories live. Discover now