Family

8.5K 152 8
                                    

UPDATE ……..

“If ever you’re in my arms again, this time I’ll love you much better. If ever you’re in my arms again,this time I’ll hold you forever. This time would never end.”

Happy 59+k reads. Salamat sa walang sawang suporta

Sana suportahan niyo din ang “Back in my arms Again”, a story about second chances. Just check my profile or click the external link, nandun na po siya at pag natapos itong AWWBTHHH iyon naman ang susunod kong tatapusin. J

Maraming-maraming salamat.

VERY IMPORTANT NOTE:

“30 votes and 5+ comments for the next update. No update ‘till next month kapag di naabot ang quota. “

ENJOY READING!

Xoxo

-----------------------

Chris’ POV

“Aragon pa rin pala ang ipinagamit mo sa kanya. Hindi mo alam kung gaano ko kasaya ngayon ,Kate. Sobra kong pinagsisisihan lahat ng nagawa ko sayo. Mahal na mahal kita, Kate. Patawarin mo na ko, Parang awa mo na…

Pero kung hindi mo pa rin kaya, handa akong maghintay.”sincere kong sabi sa kanya.

Kung pwede ko lang talagang ibalik ang oras, sana hinayaan ko siyang magpaliwanag. Sana binigyan ko pa siya ng ikalawang pagkakataon.

“Chris, wag muna natin pag-usapan yan. Kung kapatawaran lang, madali lang naman ibigay yun at bukal sa loob kong ibibigay yun sayo sa tamang panahon. Wag ako ang pagtuunan mo ng pansin, may anak ka na, may anak na tayo at kung meron man tayong dapat na unahin ay siya yun.” Diretsong pahayag nito sa akin. Ramdam ko ang hinanakit sa pananalita niya pero hindi ko siya masisisi dahil ako ang may kagagawan nun.

“Alam ko, Kate. Handa naman ako maghintay at syempre alam ko na dapat na si Kyle ang priority natin ngayon pero don’t you think na kasama sa dapat na priority natin ang bigyan siya ng maayos at BUONG pamilya? I think we can be better parents if we start to build a complete family for Kyle. It would we better if we start again from the beginning, from ourselves. Kate, hindi naman kita minamadali, Kung kinakailangan na ligawan ulit kita at magsimula tayo mula sa pinakaumpisa, then why not ? I’m whole hearted willing to do everything for our family. Please Kate, just give me a chance.” Mahabang litanya ko kay Kate habang hawak ko sa bisig ko ang bagong inspirasyon ko bukod sa mommy niyang mahal na mahal ko.

“Naiintindihan kita,Chris pero sana hayaan mo muna akong makapag-isip. Bigyan mo muna akong ng time para pag-isipan yung offer mo.” Nakayukong pahayag nito. “And…. If ever bigyan kita ng chance…” bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at tumingin sa akin. Eye to eye talaga at makikita mo ang sinseridad ng kanyang mga sinasabi sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

“Ano yun, Kate ?” nabubuhayan kong tanong sa kanya para ituloy niya na yung naudlot niyang litanya.

“I-if  ever na bigyan kita ng chance.. sana this time yung totoo ka na, yung hindi ka na maguguluhan, yung hindi ka na kailangan na magdalawang isip pa. Yung tipong kapag tinanong kita o ng ibang tao kung mahal mo, Oo agad  ang sagot mo hindi yung pag-iisipan mo pa. “ mahinang pahayag nito na talagang tagos hanggang kaluluwa ko. Lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt sa mga sinabi niya.

“Kate, sorry. Ramdam ko lahat ng sakit na nararamdaman mo at lahat ng kasalanan ko sayo ? Pinagsisisihan ko yun. At yung sinabi mo na if ever na bigyan mo ko ng chance, pipilitin kong ipakita at iparamdam sayo na nagbago na ko at ibang Chris na ang haharap sayo, pangako yan. Sisiguraduhin ko na kapag binigyan mo ko ng chance I will not be just a good companion or partner but I will do my best to be the super the best husband, friend, best friend, companion, partner, brother and whatever you call it you could ever have. I promise that you won’t regret anything.” Sincere kong sabi sa kanya.

“Sana nga, Chris  pero sana wag mo ko muna din ako pilitin na gawin yung mga gusto mo. Hayaan mo muna ko. Okay na okay lang naman sakin kung lagi mong dadalawin si Kyle dito eh. Welcome na welcome ka naman dito sa bahay.” Sabi niya sa akin habang pilit na ngumiti.

“Hindi ba kita mapipilit na tumira na sa bahay natin ? Na umuwi na sa BAHAY natin? I mean for the baby.” sabi ko saka niya ko tinitigan na para bang nagtatanong.

“Anong ibig mong sabihin ? ”tanong niya habang nakakunot ang noo.

“I mean your house it’s too small and the people outside, parang nakakatakot sila. Iniisip ko lang naman yung safety ni baby Kyle.”  Paliwanag ko.

“Mababait sila, Chris. You don’t have to be scared of them. Kilala ko at kilala ako ng mga yan. I assure you, SAFE kami dito.”kontra niya sa suhestyon ko.

“Hindi na ba talaga kita mapipigil ? “ tanong ko sa kanya .

“Chris wag muna ngayon, okay ? One step at a time lang. Ang mahalaga nagkasundo na tayo para sa routine natin sa ngayon para kay baby Kyle.” Mahinahon niyang paliwanag. Mukang ayaw niya talagang umuwi pa pero di bale kung di ko siya madala sa bahay ngayon ako nalang ang mglalapit sa sarili ko sa mag-ina ko.

“Hmm.. sige kung ‘yan talaga ang desisyon mo, okay na din sakin pero pwede ba kong magtanong?” sabi ko.

“Ano yun?” tanong niya pabalik.

“Pwede ko bang malaman kung pumapayag ka na, na ligawan ulit kita ?” lakas loob kong tanong sa kanya na siya namang ikinagulat niya.

“A-ahm.. Kapag napagisip-isip at sigurado ka na talaga na ako lang at wala ng iba, pwede na siguro.” Sagot naman niya. Pakiramdam ko tuloy para kaming bumalik sa pagka-teen ager.

“S-sige. “ nahihiya kong sagot. Syet! Ang “Gay” lang..

--------------------

Kate’s POV

Kaaalis lang ni Chris mula sa bahay ko pero bakit ganito ? KINIKILIG ako.. Posible pa pala ‘to noh? Para sa edad kong 28 years old at may anak na kinikilig pa ko. Siguro kung nagkataong nandito sila Roi at Abby naasar na ako ng mga yun.

Pagkatapos ng ilang Segundo ng kilig ay binalikan ko na ang baby Kyle ko.  Naalala ko yung itsura nilang mag-ama kanina. Masayang-masaya si Chris habang hawak niya si Kyle. Sa totoo lang, gusto ko na siya patawarin kaso naisip ko kailangan masigurado ko muna na this time he’ll love me much better na. Yung ako na lang, walang Marianne, walang Arisha na hahadlang, yung kaming dalawa nalang.  

“Baby kyle, you’re such an angel for mommy and daddy. Malapit na kaming magkabati ng daddy mo. I promise you kapag nagkabati na kami hindi mo mararanasan lahat ng naranasan ni mommy. Kung dati hindi ako lumalaban, ngayon iba na… Sisiguraduhin kong this time lalaban na ko because you give mommy a reason to fight. I love you baby. “

-------------------

TBContinued……

UNEDITED!

VERY IMPORTANT NOTE:

“30 votes and 5+ comments for the next update. No update ‘till next month kapag di naabot ang quota. “

Thank You for your undying support guysssssss.. Alabyou All ..

J

-GeeLove  

Way Back Home (AWWBTHHH)Where stories live. Discover now