Mother and Son

6.7K 120 6
                                    

UPDATE !

"Every Action has Consequence."

Happy 95.3k readss.. *sabog confetti* Maraming Thank you !!! :*

30 VOTES FOR FINALE CHAPTER..

ENJOY READING..

xoxo

-----------------------------------

Chris' POV

"mommy?"  sabi ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ng asawa ko.

"Anak... " sambit nito saka tumulo ang luha. Agad naman akong tumakbo payakap sa kanya. Matagal ko na rin naman napatawad si mommy. Anak lang ako, at kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo siya pa rin ang nanay ko.

Kumawala ako sa aming pagkakayakap saka siya hinarap. "Ma, sorry sa mga nasabi ko sa inyo. Hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko. Nabigla lang ako." hindi ko na rin mapaiyak matapos ko sabihin yun. Iba pa rin talaga pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano kasakit yung mga nagawa niya, magagawa  mo pa rin siyang patawarin.

"Anak, hindi.. Ako yung dapat manghingi ng apology. I know I hurt you and that's one of the biggest mistake I've ever had and regret in my life. I love you anak. I'm so sorry. I should not take away your happiness from you and you know what? We already talked about what happen and I ask for her forgiveness. Now, I know why you love her that much. She's really a nice person, you should take care of her." mahabang litanya nito sa akin.

"I won't ma.. They are my treasure, my happiness. I love her so much." nakangiti kong sagot kay mommy.

"Excuse me.. " tawag sa amin ni Kate. Sabay naman kaming napalingon ni mommy. "Ahm, pasok po muna kayo para makapag-usap po kayo ng maayos." malumanay at nakangiting sabi niya.

"Aww.. Oo nga pala.. Pasok ka ma.." aya ko kay mommy. " Maliit lang ang bahay namin ma pero feeling ko malapit na rin pumayag yung isa dyan na bumalik na kami sa totoo naming bahay." pagpaparinig ko kay Kate.

"Yah.. I think you should go back in your house na para maganda ang kalakihang environment ng aking apo. I mean he should grow in proper place and a surrounding with peace and love. I hope you understand iha.. Gusto ko din sana makasama ang apo ko." suhestyon ni mommy. Naiintindihan ko naman si mommy. Mangay nga naman dito dahil mini squatters area 'tong tinutuluyan namin.

"Naiintindihan ko naman po. Wala din naman po akong planong magtagal dito pero pwede naman po siguro namin pag-usapan ni Chris ang pagbalik sa dati naming bahay." nakangiting wika ni Kate. Siguro ito lang din yung hinihintay niya, ang magkaayo-ayos kami para kaya okay na sa kanya ang bumalik kami sa dati naming bahay. Pero I don't think it's better na bumalik kami sa dati naming bahay. I have a better idea. :)

"Good..  Sana mag-stay muna kayo sa mansion ng kahit one week lang para makasama ko naman ang apo ko." hiling ng mommy sa amin. Saglit kaming nagkatinginan ni Kate. Tumango nalang ako sa kanya, ibig sabihin nun siya nalang ang mag-decide.

"Ahm.. O-okay lang po kung bukas na kami magsimula na tumira sa mansion?" nahihiyang sagot ni Kate kay mommy. Alam ko naman na pinagbibigyan lang ni Kate si mommy na makasama din si Kyle.

Napatakip naman ng bibig si mommy sa saya saka dinamba ng yakap si Kate. " Thank you talaga.. Thank you, Kate.. " naluluhang sabi ni mommy. Gustong-gusto niya talaga na makasama si Kyle.

"Wala po  yun. Deserve niyo naman po na makasama ang apo niyo." sabi ni Kate habang inaalo si mommy. 

Ako naman nakangiti lang habnag nakatingin sa kanila. Masaya ko dahil nagkaayos na ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay ko.

"Matutuwa nito ang daddy mo, Chris. Basta siguraduhin niyo ang pagdating nyo sa mansion bukas okay ? Magpapahanda ako bukas para sa pagdating niyo at magpapa-party ako sa sabado sa kompanya para makilala na ng lahat ang aking apo. " excited na sabi nito.

"Oh nga pala ma, kamusta si dad? " tanong ko na siya namang ikinabago ng expression ni mommy.

"Simula ng malaman niya naging malayo ang loob niya sakin. I can't blame him because it's very obvious that it's my fault and I have to pay the consequences of my actions." malungkot na sambit nito.

"It's okay ma.. Daddy loves you so much. Hindi ka niya kayang tiisin. Especially kapag nalaman niya 'tong ginawa mong pag-reach out samin, I'm sure he'll be proud of you. We all know it's not the usual 'you' " pagpapalakas ng loob ko kay mama.

"Thank you son.. I can see now how good father you are to my little Chris.. " sabi ni mommy.

Patuloy pa ang naging pag-uusap namin at habang tumatagal ay ramdam ko ang pag-gaan ng atmosphere kasabay ng pag-gaan ng loob namin sa bawat isa. Sana ay magpatuloy hanggang sa tuluyan na naming makalimutan ang mga pangyayari noon sa aming buhay.

-------------

TBContinued...

UNEDITED !!!

FINALE na next Chapter..

30 votes and kahit ilang comments  para sa finale !!!

Push natin 'to guys ! :D

-GeeLove14

Way Back Home (AWWBTHHH)Where stories live. Discover now