Chapter 11

634 9 0
                                    

Chapter 11

Inihanda ko ang mga lulutuin. Panalambot ang karne para sa caldereta at hiniwa ang mga gulay. Inuna ko ang caldereta dahil sa matagal lutuin ito. Habang nag hihiwa ako ng mga gulay ay tumunog ang iPhone ni Burn. Hindi ko na ito pinansin dahil sa alam ko na kay Burn ang iPhone at baka importante ang tawag na yon. Maya maya pa ay tumigil ang tunog sinagot na ni Burn ang telepono. Nag patuloy lang ako sa aking ginagawa. Lumabas si Burn halatang may hang over pa. Suot pa din niya ang t-shirt na pinalit ko kagabi.

"Mi, punta ako jan next week, bukas? Hindi ako pwede bukas, pupunta kami ni Erica sa kanila. Bibisita lang ako dun. Hindi, hindi nga, kaibigan ko lang siya."

Lumayo siya sakin. Hindi ko alam kung bakit siguro hindi niya gusto marinig ko ang pinag uusapan nila ng mommy niya. Nag patuloy lang ako sa pag luluto. Siguro nag tatanung kayo kung ano ang itsura ko. Isa akong morena, pango, kulot at pimple'in bata. Pero nag mature na ang mukha ko. Nag pa rebond dahil afford ko na. Unti unting naayos ng cosmetics ang itsura ko. Minsan kahit alam ko na may titulo ako na nag sasabi:

Erica Rose Gutierrez

Graduate of BS Business Administration

Master in Business Administration

(MBA)

Hindi pa rin maiwasang may mang lalait sa itsura ko. Pero ngayon mayroon na akong titulo para mag utos, manermon, at mag patalsik ng empleyado. I work so hard to be on top. And I know I deserve to be on top. Nagawa kong maging mataas nang hindi tumatapak sa kahit na sinong tao.

Maya maya pa ay bumalik na si Burn sa kusina. Tapos na ata sila mag usap nang mommy niya. At kung ano ang pinag usapan nila hindi ko alam. Kung ano ang dahilan kung bakit hindi niya pinadinig sakin ang pag uusap nila wala rin ako maisip na dahilan.

Halata kay Burn na nahihilo pa ito. Masakit din ata ang ulo niya.

"Erica, ang sakit nang ulo ko"

Nag patuloy ako sa pag hiwa ng mga rekado.

"Matulog ka ulit wala ka naman ata gagawin ngayon"

"Wala nga, tara nood ng DVD"

"Nag luluto ako"

Lumapit siya sakin at yumakap sa likod ko. Ang init nang katawan niya.

"Nilalagnat ka ba?"

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang noo niya. Hindi naman ito maiinit parang sapat lang ang temperatura para sa buhay na tao.

"Masakit ulo ko, tapos na hihilo ako"

"Hang over lang yan. Ilang bucket ba nang alak ininum niyo kagabi"

"Hindi ko na tanda"

Nakayakap pa din siya. Nakaka asiwa kaya agad ko siya tinulak.

"Hoy mister wag kang ano jan huh. Chansing ka na naman."

"Masama na nga pakiramdam ko aawayin mo pa ko"

"Ano ka kasi"

"Wala akong maintindihan panay ka 'ano'."

"Nag luluto ako"

"Di tumalikod ka hindi naman kita guguluhin"

Tinalikod niya ko. Pinag patuloy ko ang pag luluto nakayakap pa din si Burn sakin. Nakasandal ang baba niya sa balikat ko.

NAGLUTO ako ng caldereta, sinigang na hipon, at nag bake ng lasagna. Kumain na rin kami nang umagahan at tanghalian. 1pm na si Burn ay nasa sala at nanonood ng DVD. Ako naman ay nag hahanda para makapag bake nang brownies at cupcake na request ni Burn. Tumunog na naman ang iPhone ni Burn. Narinig ko na naman ang cute na ring tone nito.

"Hello Mi, opo, pupunta nga siya sa birthday mo. Ano? Sige sabihin ko sa kanya. Siya na bahala dun. Nan dito nag ba'bake"

Tumayo si Burn at lumapit sakin kausap pa din niya ang Mommy niya.

"Opo, sabihin ko tumawag siya sayo. Sige po bye"

Binaba ni Burn ang tawag.

"Sabi ni Mommy pumunta ka daw sa party niya next week"

"Next week ano'ng araw ba yon?"

"Wednesday"

"Hindi ko alam kung may appointment ako nang wednesday"

"I'cancel mo na lang. Magagalit sayo si Mommy kapag hindi ka pumunta"

"Kausapin ko muna si Lorenz"

"Nga pala pag bake mo daw si mommy nang cake ikaw na daw ang bahala kung anong flavor. Iyon daw ang gagamitin sa party niya tsaka 100 pieces nang cup cake ang kailangan para sa mga bisita"

"Ano? Teka lang ang hirap mag bake huh at saka may trabaho ako wala namang oven sa bahay panu ko maisisingit yan"

"Oo nga no. Dito ka na lang mag stay para makapag bake ka"

"Baliw ka talaga. Teka lang ang hirap naman niyan tsaka isa lang ang katawan ko"

"Babayaran naman ni Mommy ang pag bake mo sa kanya ng mga cup cake, tapos ung cake yun na lang ang gift mo sa kanya. Tulungan na lang kita gusto mo?"

"Ang hirap naman niyan"

"Sige sabihin ko kay Mommy ayaw mo magagalit sayo yun"

Nanakot pa ang mokong, bakit pakiramdam ko gusto ako nitong tumira sa bahay niya.

"May pag babanta? Sige bahala na, kelan daw ba kailangan?"

"Tuesday daw para maiayos sa venue. "

"Saturday ngayon sunday wala ako ano 3 days akong hindi papasok para matapos ko lang yan"

"Mag sabi tayo kay Kuya maintindihan naman niya kung hindi ka makapasok para naman kay mami yun"

"Sige mamimili na ko mamaya pag tapos ko dito. 100 cup cakes ilan kayang kilo ng harina gagamitin ko? Haaay ang hirap mag isip"

"Samahan kita gusto mo?"

"Sige ikaw naman may kasalanan nito ehh"

"Grabe huh ako talaga"

"Oo ikaw may pananakot ka pang nalalaman."

"Hehehe takot ka naman"

"Siempre si Tita Rowena yon ehh, tsaka minsan lang naman humingi nang pabor si Tita kaya ok lang"

Ano na ang gagawin ko 100 cupcake at isang cake ang dami kong i'ba-bake!!!

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon