Chapter 20

463 7 0
                                    

Chapter 20

PINAG patuloy ko ang pag tugtog. Hinayaan ko ang mga nasa paligid nag focus ako sa bawat nota na kumakanta sa bawat pag diin ng mga dailiri ko. Tinapos ko ang pyesa sa isang magandang nota.

Napalakpakan ang lahat. Nasa loob sila Mommy pati na din si Tito Enrique. Ganun din ang kadarating lang na si Bench. Masaya sila at nakangiti saakin. Ngayon ko lang naramdaman na may mga tao pala na magiging proud sa akin. Humarap ako sa kanila.

"Bravo hija. Ang galing mo'ng tumugtog ng piano" saad ni Mommy habang pumapalakpak.

"Natugtog niya ang piece na ito nang walang manuscript na tinitignan." Sabi ni Burn

"Gifted child ka Hija" saad naman ni Tito Enrique.

Hindi ko talaga alam na may ganito ako'ng talento kung talento nga ang tawag dito.

Mayamaya pa ay lumapit si Bench sa isang gitara kinuha niya ito. Umupo sa isang upuan.

"Pakingan mo ang tutugtugin ko tapos subukan mong gayahin sa piano"

Tumango ako bilang pag sang ayon. Tumugtog siya nang isang pyesa. Isang tugtog na hindi ako pamilyar. Pinakingan ko ito. Isa isa ko'ng tinandaan ang bawat nota. Makaraan ang ilang sigundo ay huminto siya sa pag tugtog

"Subukan mong gayahin ang pyesa na iyon "

Bumalik ako sa harap nang piano. Sinubukan ko alalahanin ang bawat nota. Tinugtog ko ang narinig ko'ng tugtog gamit ang piano.

Nagpalakpakan ulit sila.

"Ang galing na kuha niya'ng gayahin ang mga nota kahit ngayon niya pa lang ito narinig"- Mommy

"Subukan ulit natin" -Bench

Tinayo niya ako at pinatalikod sa piano. Tinipa niya ang isang nota.

"Subukan mong gawin ang notang ginawa ko"

Gaya nang dati inalala ko lang ang tunog na ginawa ni Bench. Hinayaan na ang mga kamay ko ang gumalaw. Nakuha ko ang nota'ng ginawa niya.

Tuwang tuwa ang pamilya Lim sa pinamalas ko'ng talento.

"You're a master pianist E." saad ni Bench sa akin.

"Ilang taon kaming nag aral bago namin matutunan ang bawat nota sa piano pero ikaw nagawa mong tumugtog nang hindi man lang inaaral ang mga nota nito" pagpapatuloy ni Bench

Parang hindi pa nakontento si Bench gusto ata niyang malaman kong ano pa ang kaya ko'ng gawin gamit ang mga musical instruments.

Kumaha siya ng mga gitara. Binigay saakin ang isa, iniabot saakin ang pik at ang isa pang gitara ay hawak niya. Tumugtog siya ng isang nota. Tapos tinignan ako. Sapat na para maintindihan ko na gayahin ang notang ginawa niya.

Nakuha ko, nagaya ko ang tugtog na ginawa niya. Pero hindi pa dun natapos ang experiment niya. Tinalikod niya ulit ako tapos tumugtog ng isang kanta. Tapos kumanta si Burn sinasabayan ang tugtog ng gitara. Kanta na pamilyar saakin. Kanta'ng 'It will rain' ni Bruno Mars.

Humarap si Bench saakin.

"Gayahin mo" utos niya

Sinubukan ko ulit. Diniinan ang mga string gamit ang kaliwang kamay at pinadaan sa bawat string ang pik ng gitara gamit ang kanang kamay.

Inalala ko ulit ang tunog. Hinayaan ang mga kamay ko ang tumugtog. Maya maya pa ay sinabayan ni Burn ang pag tugtog ko. Kinanta niya ang lyrics ng kanta.

Nag palakpakan ulit sila Mommy at Tito Enrique.

"You should practice your talent. Ngayon ko lang nalaman na may talent ka pala sa pag tugtog"- Bench

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon