Chapter 29

312 6 0
                                    

Chapter 29

HINDI ko na matandaan kung ano'ng oras kami nakauwi ni Bench kagabi. Hindi ko na din maalala kung ilang bote ng T-Ice ang nainom ko.

10:30am na ko nakapasok sa trabaho at sobrang sakit ng ulo ko. HANG OVER O_o

Wala si Burn sa table niya. Bakit ko ba siya hinahanap. Irap ko sa isip ko

"Lorenz, Lorenz?"

"Po?"

"Ibili mo nga ako ng kape. Tsaka ihingi mo na din ako ng Ibupropen sa clinic."

"Sige po Ma'am ikuha ko kayo sa nurse natin ng gamot."

"Sige salamat."

Paalis na sana si Lorenz nang biglang....

"Ms. Sungit, paging Ms. Sungit. Mr. Bait is calling you." May na page.

"Fuck" bulalas ko.

Naalala ko na yun ang inasar niya saking pangalan kagabi!

(Flash Back)

"Alam mo, noong una kita'ng makilala ang sungit mo."

"Oyy hindi kaya"

"Oo, lalo na nung may mga lacking documents yung isang cliente hindi ka man lang ngumiti."

"Mga burara kasi sales agents nun. Nakaka badtrip."

"Alam ko na tawag ko sayo."

"Ano?"

"Sungit!"

"Hoy hindi ako masungit noh!"

"Oo kaya!"

"Bahala ka"

"Sungit! Sungit!"

(End of Flash back)

"Ma'am?"

"Wala, sige paki ayos na lang ng schedule ko ngayo'ng araw. May pupuntahan lang ako."

"Ibibili ko pa po ba kayo ng kape?"

"Wag na ako na lang siguro."

Lumabas ako sa office namin at iniwan ko si Lorenz.

Leche talaga!!!

Pumunta ako sa Office of the CEO. Pag punta ko sa office niya sinalubong ako ng secretary niya.

"Ma'am?"

"Nan jan ba si Mr. Lim?"

"Sige po Ma'am pasok po kayo"

"Salamat"

Kumatok ako sa pinto bago pumasok.

Nakaupo si Bench sa upuan niya habang madaming papel ang nakalatag sa harap niya. Ni walang hang over. Tumingin siya saakin tapos balik sa papeles ang tingin niya

"Good morning" bati niya saakin. Hindi pa rin nag tataas ng tingin

"Good morning din"

Umupo ako sa upuan sa harap niya.

"Kamusta? Ang sakit ng ulo ko."

"Okay lang. Ito ohh"

Inabot niya saakin ang paper cup ng kape na may nakalagay na Sungit

"Hoy Bait tigilan mo ko huh."

(Special flash back)

"Ahh ganun sungit pala. Alam ko na itatawag ko sayo Bait."

"Ohh bakit naman bait?"

Mr. PerfectWhere stories live. Discover now