Chapter 22

324 6 0
                                    

Chapter 22

Nasa kwarto na kami ni Burn. Nakaupo ako sa sofa niya siya naman nasa kama na niya nakahiga. Ako naman nag babasa pa rin ng mga magazine.

"Dito ka na mahiga sa kama jan na lang ako sa sofa."

"Wala ba kayo'ng guest room dito. Para dun na lang ako matulog?" Tumayo siya at lumapit saakin.

"May guest room kami dito kaso gamit na bilang maids quarters." Saad niya habang naupo sa tabi ko.

"Wala ng ibang kwarto?"

"Sa music room, kaso pag dun ka natulog alam ko na hindi ka makakatulog dahil walang kang gagawin kundi ang tumugtog."

"Okay na ko dito sa sofa."

"Sofa? Dun ka mahiga sa kama, ako na dito."

"Okay lang sayo na matulog sa sofa?"

"Hindi, ang laki laki ng kama pwede naman tayo mag tabi sa kama."

"Ayoko nga."

"Hindi naman ako kagaya ng iniisip mo."

"Alam ko naman yon. Hindi ka naman ganun, pero mas maganda nang umiwas."

"Oo nga. Lalaki ako pero alam ko ang limitasyon ko."

"Sige dun kana matulog sa kama, ako na lang dito sa sofa." saad ko

"Sa kama kana matulog. Wag na matigas ang ulo." pilit ni Burn saakin

"Oo na" tumayo na ko.

"Oh san na kiss ko?"

"Baliw na to."

"Good night kiss lang ehh"

"Oo na. Baka lumuhod ka pa jan pag hindi kita kiniss ehh."

Humalik ako sa pisngi niya.

"Good night"

"Good night din"

Agad na kong humiga sa kama. Inayos ko ang unan. Para makatulog ako ng kumportable. Kungsabagay malaki ang sofa ni Burn. Malabot pati iyon. Nakabukas ang ilaw. Hindi ako makatulog ng bukas ang ilaw.

"Gusto mo ba patayin ko ang ilaw?"

"Okay lang ba sayo"

"Oo natutulog naman talaga ako na patay ang ilaw"

Tumayo siya at pinatay ang ilaw. Lamp shade na lang ang natirang nakabukas.

Lumapit siya saakin.

"Sleep well Babe."

Tapos bumalik sa sofa at nahiga.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hinila na din ako ng antok

IN THE middle of night. I felt sofocated, as if somebody's crashing me. I tried to move yet something is stopping me from moving. I tried to scream, no sound come out of my mouth. I struggle so I can move. But nothing happens. Then after that I was drowning. I try to shout. Then... Then...

"Babe, Babe! Babe!"

Nasatabi ko na si Burn. Ginsing niya ko mula sa isang bangungut. Napayakap ako sa kanya. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano'ng nang yari.

"Its just a dream!"

Umiyak ako sa labis na takot. Akala ko may sumasakal sakin. Tapos nilunod ako.

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon