mga kapatid ni rizal ang iba'y ayon sa character ng storya.

4.1K 8 0
                                    

*MGA KAPATID NI RIZAL

SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. 
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. 
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina  makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na 
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. 
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano. 
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis. 

Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na 
Babae ng Bayani

Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal 
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at 
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at 
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng mga paring 
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong “Castilla” na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang tahanan.

Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal.

Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian.

Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak. Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay pinakasalang ang kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid ni Sisa na si Paciano kay Severina Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal.

Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng namatay na pari.

noli me tangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon