mga magulang ni Rizal

774 7 0
                                    

FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal 
Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado. 
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa 
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda 
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim. 
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco Mercado noong 
Enero 5, 1898. 

TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina. Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.

noli me tangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon