kaligirang kasay sayan ng NMT

6.8K 41 0
                                    

Kaligiran ng Noli Me Tangere

simula ang ideya para sulatin ang Noli Me Tangere sa pagbasa ni Rizal ng isang librong pumapamagat na Uncle Tom's Cabin, na isinulat ni Harriet Beacher Stowe. Inilalarawan noong aklat na iyon ang mga pinagdaanang lupit at pagdurusa ng mga Negro sa kamay ng mga Amerikano. Napansin ni Rizal ang pagkakawangis ng kalagayan ng mga Negro sa mga Amerikano at mga Pilipino sa mga Kastila.
Binalak ni Rizal na ang nobelang ay sulatin niya kasama ng ilan sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid, ngunit ang kanyang plano ay di natupad. Dahil dito, ang buong nobela ay sinulat niya mag-isa. Ang unang bahagi ng nobela ay sinulat niya noong 1884 sa paaralang pinag-aaralan niya ng medisina sa Madrid, Espanya. Noong natapos na niya ang kanyang pag-aaral, tumungo siya sa Paris upang ituloy ang pagsulat ng nobela. Tinapos niya ang nobela sa Berlin, Alemanya pero wala pa itong pamagat.

Hindi mailimbag ni Rizal ang kayang nobela dahil sa kakulangan ng pera. Binalak na ni Rizal na sunugin ang manuskrito nang matagpuan siya ng isang kaibigang nagngangalang Dr. Maximo Viola, na nakilala niya sa paaralan ng medisina sa Madrid. Binayaran niya ang paglilimbag ng unang 2000 na kopya ng nobela.

Ang pamagat na Noli Me Tangere ay nanggaling sa Ebanghelyo ni Juan, kapitulo 20, versikulo 17 sa orihinal na salitang Latin na ang ibig sabihin ay "huwag mo akong hawakan." (touch me not.) Ito ang unang bahagi ng sinabi ng nabuhay na Hesus kay Maria Magdalena sa harapan ng kanyang walang lamang libingan.

noli me tangereTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang