pag-aaral sa labas ng pilipinas ni Rizal

1.5K 7 0
                                    


PAGLALAKBAY SA EUROPA

Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay.

Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvadora

Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz

Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan ang Point de Galle, Colombo, Cafe’ Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw

Hunyo 7, 1882-dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps

Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal)

Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Noaillees, nagpunta sa Chateau d'If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo)

Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona

BUHAY SA BARCELONA

Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar)

Setyembre (kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre)

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.
Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba’t ibang partido pulitikal ng Spain.

Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan Atayde na di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-bahala ng mga kasapi

Sinulat ang Me piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889)

Nakapagtatag ng sariling aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang kaapihan

Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de la Concorde, Simbahan ni Magdalen, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula’t kababalaghan ng mga Valvis, Medicis at Sorbon

Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence)

Unang linggo ng Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral

Pormal na sumapi sa Lohiya Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang

Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina

Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang pangunahing mananalumpati

noli me tangereWhere stories live. Discover now