01

2.1K 58 30
                                    

Y S A B E L L E

LALO kong binilisan ang takbo ko ng makita na hinahabol pa rin nila ako. Konti na lamang ay maabutan na nila ako. Bilisan mo pa Belle.

Pagod at pawisan na ako pero hindi dapat akong tumigil. Dahil alam kong lagot ako sakanila kung sakaling mahuli nila ako.

Tumakbo ako sa direksyon kung saan alam kong nandoon ang kaibigan ko. Mas mabuti na  sakanya ang mapagbuntungan kaysa naman ako. Alam ko naman na kaya nya naman itong labanan.

Malayo pa lamang nakikita ko na ang likod nya. Good timing, malapit na pala sya.

"Wacccccky" Sigaw ko ng pagkalakas lakas.

Sabay din silang napatingin ng kausap nyang babae. Kahit kailan napakababaero nito.

Pagkarating ko sakanya ay nagtago agad ako salikod nya at kumapit sa uniform nya.

Pilit nyang inaalis ang kamay ko sa uniform nya pero lalo ko lamang hinihigpitan ang hawak ko dito.

"What did you do this time Belle?" Bulong nya.

Alam nya na tuwing tumatakbo ko papunta sakanya ay laging gulo ang dala ko. Anong gagawin ko? Habulin ako ng away.

Umiling lamang ako sakanya at lalo pang hinigpitan ang hawak sa uniform nya. Wala na kong pakialam kung magusot ito o kung mapunit man sa higpit ng hawak ko.

Ang gusto ko lang naman tulungan yung babaeng binubully kanina. Tapos ngayon ako ang binubully. Bakit ba kasi napaka pakialemera ko?

"Bitaw"

Pilit pa rin nyang inaalis yung kamay ko kaso hinihigpitan ko lang lalo ang hawak ko sakanya.
Sa mga ganitong pagkakataon, Wacky always save me. Sya palagi ang sumasalo sa mga kalokohan at katangahan ko sa buhay.

"Bitaw.Sabi"

"No" Hinigpitan ko pa ang hawak ko sakanya "Parating na sila"

There. Tatlong babaeng nakatayo sa harap namin. Base sa lace ng id nila ay nasa higher year na ang mga ito.

Nakita ko silang pinagtutulungan ang isang babae kaya nilapitan ko sila. Hindi ko naman alam na kasali sila sa isang grupo na kinakatakutan dito sa academy. Kaya ayan, pagkatapos silang lapitan, sinabihan nila ko na wag makialam. Pero dahil ako Ysabelle, hindi ako nakinig sakanila. Nakuha ko ang atensyon nila at ako na ngayon ang napagbuntungan. Napatakbo tuloy ako ng wala sa oras.

"Bitch."

Napatitig ako sakanila. Tatlo sila pero isa lang ako. Ibig sabihin, wala akong laban. Magtatago nalang siguro ako dito sa likod Wacky.

Hihilahin sana ako ng isa sakanila pero agad humarang si Wacky sakin. Ngayon, sya na ang nagtatago sakin.

"Don't meddle in here." She said.

Akmang lalapitan ulit nila ko ay humarang ulit sya. Umiling ito at nagbuntong hininga.

"We just want talk to her." Turo sakin ng pangalawang babae.

Sila ang kilalang RG's sa academy. Rich girls kumbaga. Maraming tao ang ilag sakanila dahil sa pananalita nila at takot na mapagtripan. Mataas ang tingin nila sa sarili because of mayaman sila at may kapit sila.

"Kung gusto nyo syang makausap. Kasama ko" Madiin na sabi ni Wacky.

Tinaasan lang sya ng kilay ng babae. Nakangisi pa ito at parang nang aasar.

"Trying to be her knight in shining armor, huh"

Walang kibo si Wacky sa harapan ko. Nakaharang sya kaya hindi ko makita ang reaksyon nya. Hindi ko tuloy alam kung bwisit na ito o kung ano pa man.

"No."

Akmang hahawakan na naman nila ko ay naharang na naman sila ni Wacky. Para lang kaming nagpapantintero dito sa cafeteria. Walang masyadong estudyante dahil ilang minuto nalang ay matatapos na ang break kaya nagsibalikan na sila sa kanilang classroom.

Hindi hinahayaan ni Wacky na malapitan nila ko. Dahil alam nya na kapag nakalapit sila sakin isang malaking gulo na naman.

Lalo lang napangisi ang dalawang babae at sa tingin ko ay nabwibwisit na rim si Wacky sakanila. Medyo hindi maganda ang timpla ng ugali nya. Minsan mapagtrip, pero madalas mainitin ang ulo.

"Give.Her.To.Us" Madiin ng sabi ng isa sakanila.

"No." Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko "We're going" Saka nag umpisang maglakad palayo sakanila.

Hindi pa sila nakakagalaw sa kinatatayuan nila ay hinawakan na nya ang palapulsuan ko at nag umpisa tumakbo palayo sakanila.

Hindi ko inaasahan na tatakbuhan lang namin sila. Akala ko pa naman ay mapapalaban na ko katulad dati. Tapos ay dadalhin nya ko sa infirmary dahil may galos na naman ako.

Ganoon kasi madalas ang mangyari sa amin. Madalas nya kong dalhin sa infirmary para ipagamot ang sugat ko dahil sa mga kalokohan ko. Habang sya ay nakabantay lang saakin at pinapagalitan ako.

Nakarating agad kami sa 2nd floor kung saan naroon ang aming classroom. Hindi kami magkaklase pero mag ka floor kami. Magkatabi lang din ang rooms namin kaya halos araw araw kami magkita.

Pagkabitaw nya saakin ay agad syang humarap at piningot ang aking tenga. Oo. Pingot.

"Aray. Naman eh" Reklamo ko.

Lalo lamang nyang pinihit ang tenga ko. Ganyan yan. Pagkatapos pagsabihan. Pipingutin.

"Ho- aray. Tae."

Pag nakikita na nyang nasasaktan ako saka lamang nya bibitawan ang tenga ko.

"Habulin ka talaga ng gulo." He said. Napahawak naman ako sa tenga ko. Masakit.

"Alam ko." Sagot ko sakanya "Pero nandyan ka naman para iligtas ako diba" Nakangiti kong dugtong.

Napa tsk naman sya. Kahit naman ganyan yan, alam ko naman na hindi ako papabayaan nyan. Gaya nga ng sabi nung babaeng mataray kanina, he's my knight in shining armor kahit hindi nya aminin.

"No. Hindi lahat ng oras pwede kitang iligtas. Tandaan mo."

Napa pout nalang ako sa sinabi nya. Ilang beses na nya yang sinabi, and guess what, hindi nya tinutupad.

"Kunwari ka pa. Hmp" Ismid ko sakanya. Hindi naman totoo yan.

I know. Tuwing nasasangkot ako sa gulo, darating sya.

"I better get going." Narinig kong bulong nya. "Iwasan mo ang gulo"

"Iwasan mo ang gulo" Panggagaya ko sakanya "What ever"

Napaharap ulit sya saakin at akmang pipingutin ako, ay dumating ang kapatid nya.

"Kuya sinasaktan mo na naman si Belle."

Nag tsk lang ito at tumalikod ulit saamin. Nagwave pa ito habang nag uumpisang maglakad.

"Piningot ka na naman ni kuya no?" Tumango lang ako sakanya. Nakatingin pa rin ako sa naglalakad na si Wacky.

"Alam mo, kung may gusto ka kay kuya, okay lang" Napakunoot naman ang noo ko sakanya at tiningnan sya ng masama.

She just chuckle. "Parehas kayo ng reaksyon tuwing sinasabi ko yan sakanya"

"Bahala ka nga dyan."

Tinalikuran ko nalang sya at pumasok na sa aming classroom.

Ako, magkakagusto sakanya?

Sus, imposible.

Just Say ItWhere stories live. Discover now