58

201 10 4
                                    


"YOU'VE been acting weird this past few weeks." Nakangiwi nyang saad.

Ningitian ko lamang sya saka hinila palapit sa akin upang mayakap ko. Ipinatong ko ang aking baba sakanyang balikat at mas hinigpitan pa ang aking yakap sakanya.

"May problema?" Aniya.

Tahimik lang ako. Ninanamnam ang pagyakap sakanya. Wala naman talagang problema. Sa totoo nga nyan ay masaya pa ako nitong nagdaan na mga araw.

Pakiramdam ko ay nasa ayos na ang lahat. Wala nang darating na problema at hindi na muli namin kailangang maghiwalay. I smiled at that thought.

Sana lamang ay ganoon kadali ang lahat. Wala nang gulo, problema o kung nao mang dumating. Mas gusto ko na lamang na tahimik kami at magkasama. Sana ay ganito na lamang kaming dalawa.

"Hey! May problema ka ba?" Tanong nyang muli.

Iniangat ko ang aking ulo saka sya tinitigan. Kumunot ang kanyang noo. Pero namumula naman ang kanyang mga pisngi. Mahina akong natawa dahil sakanyang itsura.

Umiling na lamang ako upang itago ang aking pagtawa. Cute. Lalo syang gumaganda kapag namumula. O hindi naman kaya tuwing ngumingiti sya.

"I'm... Just happy." Bulong ko.

"Thank you for making me happy" Bulong ko pa.

Lalo lamang namula ang kanyang pisngi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya naman kinurot ko na ito nang may kaunting diin lamang.

She gasp. Nanlalaki ang kanyang mata kaya naman tumawa ako nang malakas. She glared at me. Hinampas hampas sng aking kamay pero hindi pa rin ako bumibitaw.

I stared at her. Sa palagi kong pagtitig sakanya ay kabisado ko na ang kanyang mukha. Hindi mawawala sakanya ang kanyang bangs. Sa tingin ko rin ay ito ang pinaka paborito ko sakanya bukod sakanyang pisngi.

"Stop it!" Aniya.

Pilit nyang tinatanggal ang aking kamay na hanggang ngayon ay nasa kamya pa ring pisngi. Masama pa rin ang kanyang tingin kaya naman ginawa ko na ang gusto nya. Tinanggal ko na ang aking kamay sakanya ngunit pumalit naman ang aking labi.

I kissed her. Sa pisngi nga lang. Natahimik sya at hindi nakaimik. Ganoon naman palagi ang kanyang reaksyon tuwing hahalikan ko sya.

I smiled. "I love you" Bulong ko.

I love this girl. Kahit na siguro mangyari muli ang mga iyon ay gagawin ko pa rin ang pagprotekta sakanya. Kahit wala rin naman kami sa mga sitwasyong iyon noon ay ganoon pa din ang aking gagawin.

Sa tingin ko sakanya ay palagi nyang kailangan ng tulong. Hindi naman sa mahina sya ngunit iyon ang tingin ko. Kailangan nya ng taong babantay sakanya at poprotektahan sya mula sa mga kalokohang magagawa nya pa.

"Wala man lang I love you too?" Nakasimangot kong tanong.

Nanatili syang nakatingin sa akin. Tulala pa ito at parang hanggang ngayon ay gulat pa rin sa aking sinabi. Kinunot ko ang aking noo at mas hinila sya papalapit sa akin.

"Say it, Belle. Just say it, please." Pakiusap ko.

Alam ko namang mahal nya rin ako. Ang gusto ko lamang ay marinig ito mula sakanya. I've been the one who always saying it first. Wala namang kaso iyon ngunit gusto ko lamang ang mga salitang mula sakanya.

Bumuntong hininga ako nang makita na ganoon pa din ang kanyang ayos. Dahan dahan kong binitawan ang kanyang pisngi. I smiled weakly at her.

"Fine." Tanging nasabi ko. "I'll go ahead. Baka ma traffic na naman ako pauwi."

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon