31

179 8 1
                                    


NANG imulat ko ang aking mata ay hindi na nakasandal pa sa akin si Belle. Inikot ko ang aking tingin at natagpuan sya sa dulo habang nakatalikod at nakahawak sa railings.

Nililipad ang kanyang buhok ng hangin. Katamtaman na lamang ang araw at hindi na ito masakit sa balat. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan.

Dahan dahan akong lumapit ngunit wala pa sa kalahati ay bumitaw na ito sa railings at humarap sa akin.

Una ko agad na pansin ang kanyang ngiti. Umiwas agad ako ng tingin dahil doon.

Napatigil din ako sa aking paglalakad. Sya na ang tumuloy nito at dahan dahang lumalapit sa akin.

"Magandang hapon!" Masayang sabi nya. Natatawa pa sya sakanyang sarili.

Pinagmasdan ko lamang sya. Tahimik lamang ako hanggang sa nakalapit at huminto na sya sa aking harapan.

Naroon pa din ang ngiti sakanyang labi. Ang kanyang mata ay mariing nakatingin sa akin.

Humakbang pa sya ng isa. Hindi naman ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili lamang ako doon hanggang sa humakbang sya muli nang isa pa.

Huminto sya nang may sapat na distansya sa aming dalawa. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Nakatitig lamang din sya sa akin at hinihintay ang aking gagawin.

Hindi na ako makapag isip ng kung ano. Ang nakikita ko na lamang ay ang kanyang ngiti at ang kanyang matang naka focus ang tingin sa akin.

"You..."

Hindi ko na magawang dugtungan pa ang aking sinasabi. Ang totoo nyan ay hindi ako maka focus sa anumang bagay ngayon. I was dazed by her smile.

Humakbang ako ng isa pa hanggang sa sobrang lapit na namin sa isa't isa. Isang hakbang pa at didikit na ako sakanya.

Isang maling hakbang pa ay alam kong may gagawin akong pagsisisihan ko rin naman. Isa pa. Isa pa.

Isa pang hakbang.

Tulad nang inaasahan, inihakbang kong muli ang aking mga paa. Ang konting distansya sa aming pagitan ay ngayo'y wala na.

I cupped her face, idinikit ko ang aking noo sakanyang noo saka sya muling tiningnan ng diretso.

Naroon pa rin ang kanyang ngiti. Hindi man lang iyon mula sakanyang mukha. Unti unti kong ibinaba ang aking mukha.

Unti unti... Hanggang sa magkadikit ang aming mga labi.

I kissed her...

Ipinilig ko ang aking ulo nang maalalang muli ang aking panaginip. Rooftop. That kissed. Belle.

Ilang araw na ring naglalaro sa aking isipan ang panaginip kong iyon. Ilang gabi na rin iyong nagpaulit ulit.

Kaya sa tuwing nakikita ko si Belle ay naaalala ko iyon. Iwas lamang ang aking nagagawa dahil kung hindi... Baka... Nagawa ko na iyon.

"Wacky!"

Napapikit ako nang marinig ko na naman ang kanyang boses. Kahit na iniiwasan ko sya ay hindi pa rin sya tumitigil sa pagbuntot sa akin.

Inumpisahan kong muli ang paglalakad. Mas binilisan ko pa ito nang marinig muli ang kanyang sigaw. Mas malakas ito sa nauna pero hindi rin ito ang nagpahinto sa akin.

"Wacky!" Sigaw nyang muli. "Wax!"

Pinagpatuloy ko lamang ang aking paglalakad. Kailangan ko syang iwasan. Dahil kung hindi, maaari ngang mangyari ang nasa aking panaginip.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon