34

179 6 0
                                    


"LYS." Bulong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya. Alam kong nakukulitan na sya sa akin pero gusto ko lamang marinig ang boses nya ngayon.

Kasalukuyan syang nasa probinsya. Tatlo hanggang apat na oras ang byahe papunta roon.

"Lys." Pag tawag kong muli.

Tahimik pa rin sya sa kabilang linya. Puro buntong hininga lamang nya ang aking naririnig. Bumuntong hininga ako upang pigilan ang aking sarili na tawagin muli ang kanyang pangalan.

Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa bintana. Nababasa ito dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. Madilim ang kalangitan at walang humapay ang pagbuhos ng ulan. Panay din ang pagkidlat na syang nagiging liwanag sa paligid.

Ipinikit ko ang aking mata nang muli na namang kumidlat. Agad rumehistro ang liwanag na dulot nito.

"Wax." Bulong nya.

Napangiti ako dahil sa wakas nagsalita na sya. Malapad ang ngiti na nasa aking labi. Kahit hindi nya nakikita, alam kong maya maya din ay sasawayin na nya ako dahil dito.

Hindi man nakikita ay umiling na agad ako. Tanda ng pagtanggi sa mga susunod na pagtatanong.

"You're smiling." Aniya sa kabilang linya. Sunod kong narinig ang kanyang mahinang tawa. "Stop that."

Pinigilan ko ang pag ngiti gaya ng kanyang sabi. Ngunit bumabalik pa rin ito sa aking mukha kahit na anong pigil ko.

"You're still, smiling." Muli nyang sabi.

Napailing na lamang ako saka pinigilan muli ang pag ngiti. Hindi ako muling nagtagumpay. Umiling muli ako kahit na hindi nya nakikita.

"Can't help it." Sagot ko sakanya.

Sa aking palagay ay nakasimangot na sya sa kabilang linya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Natawa ako dahil sa pag iisip ng ganoon.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon