29

215 7 0
                                    


NAKATITIG lamang ako sa pader na nasa aking kanan. Maya maya pa ay kumunoot na ang aking noo dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan ang kanyang sinabi.

I thought, that was a warning. But I guess, he's just messing in us. Hindi ko lamang alam kung bakit. As far, as I know. Hindi ko sya kilala.

Nakikita din sa mga tingin ni Belle sakanya ay halatang hindi rin nya ito kilala. Kabaligtaran naman ang sa lalaki, halata naman sakanyang mukha na kilala nya kami. Kaming dalawa ni Belle.

Napabalik lamang ang diwa ko nang ibinagsak sa aking harapan ang isang libro. Malakas ang naging tunog nito kaya sinamaan ko kaagad ang naglagay nito.

"Ang seryoso mo" Nakakunoot na sabi nya.

Iniangat ko ang aking tingin at bumungad sa akin ang tingin ni Rex. Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang dahan dahang umuupo sa aking harapan.

Inilapit nya sa akin ang libro. Tinaasan ko sya ng kilay kaya mahina syang natawa.

"Nakalimutan mo na?" Aniya. Nagtaka ako. Pero walang napasok ngayon sa aking ulo. "Yan yung hinaram ko kay Janna. Pakibalik."

"Bakit hindi ikaw ang magbalik?"
Sinamangutan nya ko. Kinuha nyang muli ang libro at dahan dahang binuklat. Isinara din nya ito saka itinuro ang kanyang kanang pisngi.

Namumula ito at may korteng kamay. Humagalpak ako ng tawa nang makita iyon. Agad naman syang umiwas ng tingin sa akin.

"She slap me... Hard."

Napailing ako at muling tumawa. Lalong sumama ang kanyang mukha. Ibinato nya sa akin ang libro at tinamaan ako sa aking baba.

"What the!"

He just smirked at me. Iniangat nya ang kanyang sarili para maabot ang libro. Pinagpagan nya ito saka maraang inilapagmuli sakanyang harapan.
Nagkibit balikat nalang ako sakanyang ginawa. Inuuob ko ang aking mukha sa lamesa.

Maingay ang kapaligiran. Naririnig ko ang mga humihila sa mga upuan, mayroon ding nagkekwentuhan pero mas marami ang sumisigaw.

"I heard the news." Aniya.

Naramdaman ko ang paggalaw nya pero hindi sya umalis sakanyang inuupuan.

"You make a mess. Really, dude?"
"I'm not." Pagtatanggol ko sa aking sarili. "Ang lalaking yun ang naghahanap ng gulo."

"Mabilis na kumalat yun kahapon, knowing, Spade Serrano, isa sa mga sikat na estudyante dito sa Academy."

Iniangat ko ang aking ulo para matingnan si Rex. Nakapalumbaba ito sa lamesa habang nakatingin sa akin.

"Who's Spade?"

He's now annoyed. Bakas ito sakanyang mukha kaya mariin ko ulit syang tiningnan. Hindi ko kilala ang kanyang sinasabi.

Akala ko ay ang nangyari kahapon ang aming pinag uusapan pero mukhang nabago na ito at napalitan.

"The guy." Aniya. "The one who's guarding you and Belle." Walang gana nyang sabi.

Spade Serrano.

"Sigurado kang hindi mo sya kilala?"

Umiling ako at ibinalik sa pagkakauob ng mukha sa lamesa. Hindi ko sya kilala. Kahit sikat sya ay hindi ko sya nakikilala.

"I don't know him."

Natahimik sya saglit. Makaraan lamang ang ilang segundo ay may kausap na naman itong iba. I bet, that is Belle and Janna.

"What happened to Kuya?" Narinig kong sabi nya.

Hindi ko narinig ang sagot ni Rex. Ang sunod ko lamang narinig ay ang boses ni Belle na may tinatanong. Naramdaman ko din ang pag upo nila sa aming mesa. Ang isa sakanila ay umupo sa aking tabi. Hindi ko lamang alam kung sino sakanila.

Just Say ItWhere stories live. Discover now