Chapter 2

6.2K 197 15
                                    

Dumating si Mikael sa rooftop upang sundan si Duncan. Hinahabol nito ang isang spirit na Pukwudgie. Nasa 3 feet lamang ito, may mahabang ilong at tenga, at luminous gray ang balat. Isa itong masamang uri ng espiritu na kayang ihatid sa kamatayan ang sinumang mabiktima nito. Nagagawa nitong gumamit ng mahika, maglaho at sumulpot kahit kailan naisin, o kaya ay gumawa ng apoy.

Pagdating niya sa rooftop ay nakita niyang kaharap na nito ang Pukwudgie. Mabilis itong kumilos, mautak at mapang-asar. Winawagayway pa ang puwit kapag hindi natatamaan ni Duncan. Mahirap ito, di namin 'to malalabanan ng ganito ang itsura namin. Tiningnan ang unipormeng suot. Paano ba akong napapayag na magsuot nito? Tsk. Nagpalit anyo si Mikael sa isang iglap. Nagliwanag ang kanyang buong katawan at napalitan ang school uniform ng kanyang silver armor, at lumabas ang mga pakpak na nagliliwanag sa puti. Gano'n din ang ginawa ni Duncan, napalitan ang school uniform nito ng gold armor at lumabas din ang mga pakpak nito.

"Hindi ka namin papayagang manggulo dito sa mundo ng mga tao. Sasama ka ba sa amin ng maayos pabalik sa piitan nyo o maglalaho ka na dito?" Banta ni Duncan. Ang mga espiritu na napapaslang ay maglalaho at magbabalik sa source, non-existent na sila.

"I am not going back there! You won't be able to catch me. Nye nye nye nye nye! Belat!" Sabay wagayway ulit ng puwit.

"Kung iyan ang napili mo. Humanda ka na." Iniumang ni Duncan ang kanyang gintong espada. Hindi dapat makatakas ang isang ito. Isa itong mapaminsalang espiritu. Nagliwanag ang hazel gray na mata ni Duncan, hudyat na walang planong pakawalan ang kalaban.

Mabilis na sumugod si Duncan, mas mabilis kaysa sa bilis ng Pukwudgie. Nagulat ang Pukwudgie, sinalag ang espada ni Duncan. Napaatras ito dahil sa lakas ng pinuno ng Spirit World Guardians, pero tuso ito. Ginamit nito ang fire power upang matamaan si Duncan sa tiyan at makalayo dito. Napaatras si Duncan, pero hindi nakalayo ang Pukwudgie dahil sumugod naman si Mikael mula sa gilid.

"Madaya kayo! One on one lang, dude!" Reklamo ng Pukwudgie.

"Sige, kung iyan ang gusto mo. Mikael, laban ko ito."

Itiniklop naman ni Mikael ang mga pakpak mula sa pagkakaunat na senyales ng pagsugod, ito ay bilang hudyat na ipinapaubaya na nito ang laban kay Duncan. May tiwala siya dito. Hindi pa niya ito nakikitang nakikipaglaban gamit ang totoong lakas ngunit hindi ito magiging pinuno ng dahil lang sa wala. Ayaw din niyang makalaban niya ito kahit sa sparring.

Nagsagupa sina Duncan at ang Pukwudgie. Mabilis ang kilos at tila walang kapaguran ang paghaharap ng dalawa. Nag-umang ng kaliwang kamay ang Pukwudgie, upang ihanda ang mas malaking fireball. Nasalag ni Duncan ang fireball gamit ang invisible magic barrier niya. Nagulat ang Pukwudgie, hindi niya alam na may kapangyarihang ganun ang guardian.

"Madaya ka!" Sigaw ng Pukwudgie.

"Madaya? Sino ba ang unang nandaya? Isa pa, dinadaya mo rin ang mga tao, hindi ba? Sinasaktan at pinapatay mo sila habang hindi ka nila nakikita. Hindi ka nararapat mabuhay pa!" Isang napakabilis na paglusob ang ginawa ni Duncan. Iniharang naman ng Pukwudgie ang espada na nakuha niya sa museum ng school, sa pagaakalang didiretso ng sugod ang guardian. Pagdating sa harap ni Duncan ay bigla itong naglaho sa hangin, "Arghhh!" Daing ng Pukwudgie. Mabilis na kumilos pala si Duncan papunta sa tagiliran ng Pukwudgie at isinaksak dito ang kanyang gintong espada. Hinugot ni Duncan ang espada, sabay saksak sa dibdib ng Pukwudgie.

Nagliwanag ang bahagi ng dibdib nito na tinamaan ng espada. Unti-unti itong naagnas mula kamay, braso, paa, binti, hanggang sa maglaho ng tuluyan sa hangin.

"Pinatagal mo pa." Biro ni Mikael.

"Naaliw lang akong makipaglaban. Hayaan mo na. Nag-enjoy ka namang manood eh." Ngumisi si Duncan.

The Legend of the Spirit Hunter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon