Chapter 3

5.6K 213 1
                                    

Naghaharutan pa rin sina Lexi at Kim papunta sa kotse nila sa parking lot. Nagtutulakan at nagkikilitian. Napalakas ang tulak ni Kim kay Lexi.
"Ay! Naku sorry po, sorry po." Paumanhin ni Lexi sa nabangga niya sa likuran ng hindi nakikita ang mukha ng estudyante.

"Shit!" Nabitawan ni Gian ang phone niya. May ka-text ito sa phone kaya hindi rin niya napansing may nauuna sa kanyang naglalakad at naghaharutan ang mga ito. "Watch it, stupid lady. This is not the place to play around! Maghanap kayo ng play ground!" Asik ng binata kay Lexi.

"I already said sorry. 'Di ka rin naman tumitingin sa dinadaanan mo." Tiningnan ang phone na nahulog na naka-on pa ang screen at kita ang keyboard sa message app.

"Whatever." Pinulot ni Gian ang phone saka padabog na naglakad papunta sa kotse nito sa tabi ng kotse ni Kim.

Naglabas ng phone si kim vinideohan ang eksena. Hindi naman ito napansin ng binata.

"Nagpapapansin ka lang yata sa akin. Successful naman, napansin na kita. Satisfied?" Ngumisa pa ng nakakaloko si Gian. "Alam mo kahit tumuwad-tuwad ka pa d'yan, hindi kita papansinin dahil hindi kita type."

"What?! Ang kapal naman ng face mo noh! Excuse me, oo aaminin ko super fan mo ako noon pero hindi na ngayon. Mega nakaka-turn off ka to the highest level lalo na 'yung ginawa mo sa akin sa CR. As in abot hanggang paliparan mo sa noo. Oo ang lapad ng noo mo. Yabang nito akala mo ang gwapo. P'wes nabawasan ka na ng fans. 1, 2," bilang ni Lexi na itinuro ang sarili at si Kim, "and I'm sure, hindi lang kami ang naka-experience ng sama ng ugali mo kaya asahan mong dadami pa ang aayaw sa'yo. Ewan ko lang kung saan ka pulutin." Inirapan ito ni Lexi.

"Hmp, buti nga sa'yo. Belat. Lexi pot, pasabay na sa'yo. Pakuha ko na lang kay manong Jun 'yung car ko." Sumakay na ang dalawa sa kotse saka pinaharurot palayo sa parking lot. Iniwanan ng makapal na usok ang binata.

"Uh hu, huh!" Naubo pa sa naiwang usok. "Stupid bitches! I don't need your support!" Binuksan ang kotse nito at pabalibag na isinara ang pinto. Hinampas-hampas ang manibela sa gigil. Why is she making me angry? Naiinis ako 'pag nakikita ko siya. Hinampas ulit ang maibela saka subsob doon.

"Ang yabang akala mo naman ubod ng gwapo." Asik ni Lexi. Nasa 80 yata ang speed nila dahil galit na galit siya. Wala namang traffic sa lugar nila at madalang ang sasakyan kaya malaya kang makapagmamaneho ng mabilis.

"Hoy, hinahon naman! Bagalan mo, lumilipad na tayo! Lexy pot!" Kinakabahang napakapit sa seatbelt niya si Kim.

"Kimmy pot, that's the fun in riding a sports car." At pinaharurot pa nito hanggang sa mag-100 ang speed.

"Eeeeeeeeeehhhhhh!" Tili ni Kim.

"I'll drop you off na." Inihinto sa tapat ng gate nila Kim ang kotse.

"Nakakaloka ka talagang magmaneho." Kumakabog pa ang dibdib ni Kim. Inalis ang seatbelt at bumaba na ito. "You don't wanna come in?" Aya ni Kim.

"Sa weekend na lang ako tatambay sa inyo, Kimmy pot. I have a schedule for my kick boxing, sword at Taekwondo sessions. Magagalit na naman ang trainier ko n'yan, lalo na si Papa."

"Okay. I'll go ahead. See you tomorrow sa school." Dumukwang sa window ng car at bumeso kay Lexi.

"See you." Lexi drove away going to the gym.

"Good afternoon, Sir Penn." Nakangising bati ni Lexi. Late na siya for her schedule.

"Good evening na kamo. 6pm na oh. 4pm ang sched mo." Naiiling pang tumingin sa wall clock si sir Penn.

The Legend of the Spirit Hunter (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon