chapter 44

17.5K 150 38
                                    

dahil umabot kayo sa 50 votes di ko na siya ihohold, kala ko kasi wala ng supporters to kaya nag iinarte ako hahahaha!!

pls kagaya ng sa dati VOTE and COMMENT ^__^ thank u guys mwahhhhhhhhhhh be a fan na din kung trip niyo

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

chapter 44

rowena's pov

"MIKE" napatingin ako sa biglang tumawag kay mike, pero hindi sa muka niya ako ndistract kung hindi sa suot niyang tsinelas na kagaya ng bigay ko kay mike, 

masakit, pakiramdam ko niloko ako ni mike, siguro nung nakita ko sila sa mall, ung tsinelas na un ang suot ni mia ung binili nila, bakit hindi sinabi sakin ni mike na parehas kami ng binili ni mia, bakit di niya agad sinabi sakin nung nakita pa lang niya ung tsinelas? alam ko na ako ung nagpumilit kay mike na isuot niya un pero bakit hindi niya ako pinigilan?

"wow parehas tayo" sabi yan ni mia nung nakalapit na siya samin, si mike nakatitig lang sakin, tinitignan siguro niya ung magiging reaction ko, gusto ko sana silang sigawan kahit alam ko na walang kinalaman si mia dito , pero ngumiti nalang ako kahit na sasaktan ako,,,

"b-bkit na nman ba?" nauutal na sabi ni mike kay mia

"wala lang si rowena talga gusto kong makausap, i want to thank her, friends?" nilahad ni mia sakin ung kamay niya, hindi ko alam kung aabutin ko ba o hindi, galit kasi ako, nasasaktan,, nagseselos

"friends" kahit na mabigat sa loob ko kinamayan ko si mia, alam ko na kplastikan ngayon ung ginagawa ko, anong magagawa ko ginusto ko tong set up na to, magdusa ako ngayon

ilang minuto na din nakakaalis si mia pero wala pa din nag sasalita samin ni mike, nakaupo kami ngayon sa bench, oo nga magkalapit kami pero parang napakalayo niya sakin, 

"sana sinabi mo na lang sakin agad" ako na ung bumasag sa katahimikan namin dahil pakiramdam ko nabibingi na ako sa sobrang tahimik nmin dalawa,,,

"ayoko kasing masira ung araw na to para sayo" napatingin ako bigla kay mike, malungkot ung muka niya, alam mo ung muka na parang nahihirapan sa kakaisip ayan si mike ngayon,, kaya nasasaktan na nman ako kasi pinakaayaw ko sa lahat na nahihirapan si mike

"ok lang nman sakin na parehas kayo, syempre tsinelas yan, baka nga hindi lang si mia ung my kaparehas ng ganyan" pinilit kong ngumiti kahit na nag seselos ako, syempre gusto ko kami ni mike ung my couple tsinelas, pero wala hindi kami, naunahan na nman ako ng ewan na babae na un >_<

"tara?" tumungo na lang ako bilang sagot kay mike nung nag aya na siyang umuwi, gusto ko pa sana ituloy ung date namin pero syempre hindi na sa basment, kaso mukang pagod na si mike at pagod na din ako, o sabihin na natin na nawala na ako sa mood.

my imperfect ideal manWhere stories live. Discover now