chapter 46

16.9K 144 22
                                    

chapter 46

mike's pov

inis na inis ako dahil hindi ko pala namalayan na naubos na ung cash ko, kaya kailngan ko pang mag withdraw ng pera, at ang kinaiinis ko pa malayo sa palengke ung pag wwithdawhan ko, nung sinilip ko si rowena mukang matatagalan pa siyang mamili ng damit kaya naiisip ko na umalis na lang ng hindi nag papaalam sa kanya, sandali lang nman mag withraw kaya alam ko na bago pa ako makabalik di pa din tapos mamili si rowena...

pag dating ko sa isang bagko na pag wwithrawhan ko offline >_< kaya ag ginawa ko nag drive na lang ako sa isa pang alam ko na merong withraw machine, nakakatuwa nman kasi hindi offline aun nga lang napakahaba ng pesteng pila...

'shit' mahina kong sabi nung kinapa ko sa bulsa ko ung cellphone ko at wala, hindi nman ako pwedeng bumalik sa sasakyan ko para dun ko tignan ung cellphone dahil malapit na ako sa pila....

"gagong raymond un tinalo niya tayo"

"sayang ung babae ang ganda sana"

"tangna naglaway nga ako"

"hahaha dun ba sa power ranger na suot?" bigla akong napahinto sa paglalakad ko nung narinig ko ung pinag uusapan nung mga kaibigan ni raymond, kahit na masama ung tingin nila sakin hindi ko na lang sila pinansin dahil kailngan ko ng makita si rowena, pero nung narinig ko ung damit na power ranger alam ko na si rowena ung pinag uusapan nila.. wala nman kasing babaeng mag susuot ng power ranger sa panahon ngayon si rowena lang >_<

"ANONG SABI MO?!" hinawakan ko sa kwelyo si richmond na pinsan ni raymond kahit pa masmataas siya sakin, ano ngayon kaya ko sila kahit isama pa nila ung boss nila wala akong pakielam!

"mike, mike, mike" tinabig ni richmond ung kamay ko kaya napasmirk na lang ako, hanggang ngayon pala minamaliit pa din nila ako, kagaya dati, alam ko nman na galit pa din sila sakin dahil kay raymond, pero hindi na ako papayag ngayon na bugbugin na lang ako basta dahil hindi na ako 7 years old!

*pak* sinapak ko si richmond ng pinakamalakas na alam kong suntok na binigay ko sa isang tao, hindi ko alam kung dahil sa narinig ko kanina o dahil gusto ko lang gumanti sa mga ginwa nila sakin dati.

nagsimula ng mag lapitan sakin ung mga kaibigan ni richmond pero kahit na madami sila nakaya ko silang patumbahin lahat.

"hindi na ako ung mike na pinapaiyak niyo dati, hindi na ako ung inaagawan niyo ng laruan kaya umayos kayo!" sabi ko sabay talikod ko sa kanila, alam kong mali ung ginawa ko sa kanila dahil wala nman silang ginagawang mali sakin ngayon pero pakiramdam ko nawala na ung sakit ng dibdib ko pag naalala ko ung mga pinag gagawa nila sakin dati.

nakailang ikot na din ako sa palengke pero hindi ko nakita si rowena, kaya inis na inis ako sa sarili ko, hindi ko na siya dapat iniwan, lalo na alam ko na hindi magaling sa direction si rowena...

"miss nakita mo ba ung babaeng nakapower ranger na damit dito?" tanong ko sa tindera nung mga damit kung saan ko iniwan si rowena kanina, nakakailang balik na din kasi ako dito pero hindi ko makita si rowena.

"ah ung binastos po ng grupo ni richmond? andun po sa labas kasama ni raymond, pinagtangol nga po siya ni raymond kanina, nakakaawa siya iyak po ng iyak kanina" tnikom ko ung kamao ko sa sobrang galit ko sa narinig ko, galit na galit ako hindi sa mga ng bastos kay rowena kung hindi sa sarili ko, kahit kailan talga napakatanga ko!

hindi na ako nag pasalamat dun sa babae kaya agad ko ng pinuntahan si rowena, kailngan kong humingi sa kanya ng sorry, kung pano aun ang hindi ko alam, malamang galit na galit siya sakin ngayon,,,

"hatid na kita alam ko nman ung bahay nila mike dito" narinig kong sabi ni raymond kay rowena, gusto ko sanang sapakin si raymond kaya lang naisip ko na siya ung andun nung kailngan ako ni rowena.

my imperfect ideal manHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin