chapter 61

13.7K 145 87
                                    

SORRY PO KUNG MATAGL PO UNG UPDATE KO KASI NASIRA UNG COMPUTER KO WAAAAAAA SORRY PO TALGA,,

AT GUYS MERON PO AKONG IPOPOST NA STORY KAILNGAN KO PO KASI NG ADVICE DUN DI KO DIN PO ALAM KUNG MATATAWAG UN NA STORY PERO SUPER NEED KO PO NG ADVICE DUN, TITTLE KALARO

chapter 61

rowena's pov

"hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" kahit namumula na ako sa kahihiyan at pinipigilan ko ung pag iyak ko, pinilit ko pa din wag ibaba ung kamay ko para lang maiabot kay mike ung roses at bear na hawak ko, wala na din akong pakielam kung abutin kami ng ilang oras dito, okey lang un sakin bsta ang importante sakin kunin ni mike ung binibigay ko

"salamat" biglang tumulo ung luha ko nung nakita ko ung ngiti ni mike at kinuha sa kamay ko ung mga binibigay ko sa kanya, parang sinsabi kasi sakin na start na to kung ano man ung kasalan ko sa kanya na hinid ko alam, mapapatawad na niya ako

"LINISIN MO YAN!"

unti unti ko ng pinulot ung lasog lasog na flowers na tinapakan ni mike, ung bear binato niya sa malayo, parang nagunaw lahat ng pagasa ko sa katawan, at ang hindi ko maintindihan kung bakit sobra ung galit niya sakin, eh ang huling tanda ko ayos na si mama at mama niya

"jan micheal quiambao!" sigaw ko yan, habang tumatakbo ako papunta sa direction ni mike, ung ibang tao sa paligid ko napapansin ko na pinag tatawanan ako, si ivy kanina pa ako pinipigilan pero kahit ako mismo hindi ko mapigilan ung sarili ko na wag gawin ung gusto ng puso ko

"what now?!" marahas kong hinatak ung polo ni mike para humarap siya sakin, ung babae na nakaangla sa braso niya tinitigan ko ng masama

"pag sinabi kong sayo to sayo to!" sabi ko sabay abot sa kamay ni mike ung bulaklak na lasog lasog na

"di na kita mahal, wag mo ng ipilit"

para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni mike, ung asa paligid namin nag bubulungan na, ung luha ko hindi ko na siya mapigilan, kung kanina napigilan ko pa sila na wag tumulo ngayon hindi ko na makaya, ang sakit pala pag sa bibig na ni mike galing ung ganung klase ng salita, parang napakahirap tangapin

"tama na tol, hayaan mo na muna si mike" napatingin ako bigla ng masama kay ivy, seryoso kaya siya sa sinasabi niya na hayaan ko si mike? pano pag tuluyan na siyang nawala sakin? pano pag nakahanap na siya ng iba? makakaya ko bang makita si mike na ginagawa sa iba ung dati niyang ginagawa sakin

"di ko kaya! kung kaya ni mike un ako hindi!! naiintindihan mo hindi ko un kaya!!!!" pinahiran ko ung luha ko sabay tayo, andito kasi ako sa pinakasulok ng gym pinag mamasdan ko si mike, stalker ba niya ako? oo eh ano ngayon? mahal ko siya, handa akong mag mukang ewan sa lahat ng tao mabalik ko lang ung dating mike na meron ako

"wena tara na" 

hinayaan ko na lang ung paa ko sumunod kung saan ako dadalin ni bert, kung makakabuti ba sakin na hindi ko muna makita si mike kahit sandali lang hindi ko alam, oo alam kong napakabata ko pa para mag kaganito sa isang tao, pero alam ko nararamdaman ko na si mike ung taong para sakin, at alam ko din na hindi na ako makakahanap ng kagaya niya, na ginawa lahat para lang sakin

"bakit ganun bert? ganun ba kayong mag lalaki? bigla bigla na lang nawawala ung pag mamahal niyo sa isang tao?" pinilit kong wag ng umiyak kahit pa nahihirapan ako, nasasaktan, nakakasawa na kasing umiyak pero bakit kaya ganun hindi ko mapigilan 

"di nman nawawala un wena, baka si mike ung nawawala" napatingin ako bigla kay bert sa sinabi niya, naguguluhan din kasi ako sa mga sinasabi niya, ganyan na ganyan din kasi ung sinabi ni ivy sakin, pero diba ako ung girlfriend dapat alam ko un

"look wena, di ko man kilala si mike masyado pero pakiramdam ko nabago siya sa sobra niyang pagmamahal sayo, baka hindi na siya ung mike, i mean kahit siya sa sarili niya hindi niya na kilala ung sarili niya, naiintindihan mo ba?" seryosong sabi ni bert sakin

"bert di ko inutos lahat un kay mike, siya gumawa nun" mangiyak ngiyak kong sabi, napaka unfair naman kasi, wala akong sinabi na gawin niya lahat un pero ako ngayon ung nahihirapan at nasasaktan, samantalang si mike parang balewala lang ako sa kanya, hindi ko nakita sa kanya na nasasaktan siya sa pag kawala ko

"kaya nga sabi ko sayo, lost si mike ngayon, hayaan mo na muna siya makita ung totoong siya, malay mo pag nakita na niya ung hinahanap niya bumalik siya sayo"

bert's pov

aaminin ko, nasasaktan ako na makita si rowena na nahihirapan, kung pwede ko lang sana siyang bawiin kay mike ginawa ko na, kung pwede lang sana na ako na lang mag alaga sa kanya, gagawin ko pero huli na ako, masyado ng nasakop ni mike ung puso niya, at alam kong kahit ipilit ko pa wala na akong pwesto sa puso ni rowena, masakit pero  tangap ko

"sunduin na lang kita bukas" sabi ko kay rowena pag kahatid ko sa kanya sa bahay nila, ayoko pa sana siyang pauwiin kasi namamaga pa ung mata niya, ayoko din nman makita ng mga magulang niya na ganun itchura niya, pero mapilit si rowena, kailngan daw niyang mag isip pano babalik si mike sa kanya, napakaswerteng tao mo mike!

"alam kong sinusundan mo kami kanina pa" sabi ko yan pag pasok na pag pasok sa gate ni rowena, kanina ko pa nararamdaman na merong sumusunod samin ni rowena, asa park pa lang kami alam ko na, na merong mata na nakatingin samin dalawa

"kayo ba ni wena?" napsmirk ako kay kurt sa sinabi niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko si mike lang nag papasunod samin, ang duwag niya, ayaw nman pala niyang mawala si rowena pinapahirapan pa niya ng ganun

"kayo ni ivy diba? bakit di mo itanong kay ivy? o pareho ka ng kaibigan mo na manhid?" napayukom ung kamay ko sa galit ko, nakakainis lang na ganun ba nila nakikita si rowena? porket ba kasama niya ako kami na agad? pasalamat sila marunong akong rumespeto ng nararamdaman ng tao kung hindi talagang aagawin ko si rowena diyan sa pesteng mike na yan!

"nakita kayo ni mike, narinig niya si rowena" natawa ako ng marahan sa sinabi ni kurt, mga tanga nga sila!

"sabihin mo sa kaibigan mo tanga siya!! bobo siya gago siya! manhid"

kahit galit na galit ako sa kanilang lahat nung sinabi ni kurt sakin na sumunod ako sa kanya parang merong sariling buhay ung paa ko na sumunod na lang, kung kinakailngan kong makiusap kay mike na mali ung nakita at narinig niya gagawin ko un, makita ko lang na masaya si rowena, mahal ko siya dati pa kaya ung kasiyahan niya ngayon ang importante sakin

"wahahaha hahahaha shit! i miss this" napatitig ng masama sakin si mike nung nakita niya ako sa harapan niya, andito kasi kami ni kurt sa loob ng bahay nila mike, at naabutan namin sila ng iba niyang kaibigan na nag iinuman kung mabubugbog ba nila ako ngayon dito? wala akong pakielam

"happy?" nakasmirk kong sabi kay mike, pero nakatitig ako sa babaeng katabi niya na kala mo kinulang ng pambayad sa damit niya at napakaiksi ng suot

"yeah hahahaha ikaw masaya ka ba?!! MASAYA KA BANG KINUHA MO KUNG ANO UNG SA AAKIN?!! UNG SAAKIN!"

isang sapak ung pinakawalan ko sa muka ni mike, kapal ng muka ng sabihin niya sakin na kanya si rowena na parang aso lang na pinaamo niya tapos ililigaw

"alam mo mike, tanga ka!! ung narinig mo na sinabi ni rowena para sayo un bobo!" sabi ko kay mike sabay talikod sa kanilang lahat, siguro nman tapos nato, nasabi ko na ung dapat sabihin kay mike

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------SAPALAGAY NIYO BA MATATAUHAN NA SI MIKE NIYAN? HEHEHEHE PLS DO VOTE AND COMMENT GUYS MWAHHHHHHHHHHHHH

my imperfect ideal manWhere stories live. Discover now