6: Ang Design

1.8K 84 6
                                    

(A/N: Play the video while reading this part. Hehez xoxo)

HLATD #6: Ang Design

Alliyah

"Calix is here!"

Oh crap.

Napatingin ako kay Yza.

Ngumiti ito ng awkward at nagpeace sign lang.

Nakaawang ang labi ko habang pinagmamasdan syang lumabas ng van. Seriously?

Gusto ko na lang magstay sa bahay. Fck!

Ang bilis ng tibok ng puso ko sa bawat minutong dumadaan.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko kay Yza nang pumasok na ulit sya sa van.

"Hindi pa. Nag-uusap pa sila don." Ngumisi sya at tinuro mula sa bintana ng van ang direksyon nina Calix.

"Akala ko ba hindi 'yan kasama?" Ngumuso ako.

"Akala ko din. I swear, we didn't plan this. Sabi nya kasi kahapon, hindi sya sasama tapos ngayon...nandito na sya eh." Hilaw syang ngumiti.

Huminga na lang ako ng malalim. Pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Pilit pinagtatagpo kahit hindi naman dapat.

"I wanna sleeeeeep." Humikab si Kziah at nagpout sa'kin.

"Come here, Kziah."

Umiling si Kziah habang nakanguso sa Mommy nya.

"I wanna sleep in Ninang Alli's laaaap." Pagmamaktol nito na ikinatawa ko.

Ang cute kasi.

"Ay naku, pasensya ka na talaga, Alli. Makulit 'yan." Umiiling-iling na saad ni Yza.

"It's okay." Sagot ko.

Pero hindi pa rin talaga nawawala ang pagkagulat ko sa mga nangyari.

"Sorry talaga, Alli." Ngumuso si Yza.

Hindi ko masabing okay lang kasi hindi naman talaga okay. Hilaw na ngiti ang naisagot ko sa kanya.

"Wala ng pwesto. Hindi naman siguro 'yun dito sasakay di ba?"

Kinagat ni Yza ang daliri nya.

"Katabi mo sya..."

Damn. Naalala ko ang sinabi ni Gale sa'kin kanina. Like seriously? Bakit ba ako pumayag agad? Kung alam ko lang talaga!

"Pwedeng magpalit na lang ng pwesto?" Umaasang tanong ko.

"Uh..." Inikot ni Yza ang tingin nya sa ibang nandito sa van. Lahat sila ay busy sa kani-kanilang phones.

"Yan na lang ang bakante, Alli. Sorry talaga." Nagpeace sign ulit sya.

Huminga ako nang malalim at tumango na lang.

Come on, makakatabi ko lang sya. Why am I even acting this way?

Hanggang sa pumasok na sa loob ng van si Calix.

Ngumiti ito sa ilang Fortalejo na nasa loob ng van.

"Sa likod ka, Cal." Saad ni Yza.

Ngumiti si Calix at tumango.

Sinulyapan ko sya ng ilang saglit nang makalapit sya.

He didn't say a word. Hindi rin sya mukhang nagulat sa pagpunta ko. Tahimik lang syang umupo sa tabi ko. Well, magkalayo naman kami dahil ang nasa pagitan namin ay ang natutulog na si Kziah.

After That Day (Book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant