16: Melancholic Christmas

2K 101 57
                                    

HLATD #16: Melancholic Christmas

Alliyah

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napako ang tingin ko sa batang lalaki na nakayakap sa hita ni Calix.

Tiningnan ko si Calix. Nakatingin din sya sa batang lalaki.

Nagsimula na namang mabuo ang ilang libong katanungan sa isip ko. Sino ang batang ito? Bakit...bakit nandito si Annicka?

Sa sobrang katahamikan, umalingaw-ngaw ang ingay na nagmumula sa takong ni Annicka nang maglakad ito sa kinatatayuan namin ni Calix.

Kunot-noo ko syang tiningnan ngunit hindi sya natinag. Nanatili pa din sa labi nya ang ngisi. Anong nangyayari?

"It's nice to see you again, Alli." May bahid ng kaplastikan na bati nya.

Tinikom ko lang ang bibig ko. Nagsukatan kami gamit ang tingin. Damn you, Annicka! Bakit ba may mga taong bumabalik pa sa buhay natin kung kelan maayos na ang lahat?

"Daddy! Daddy! Up!"

Naagaw muli ng atensyon ko ang sigaw na iyon ng batang lalaki na nagtatalon-talon sa harapan ni Calix. Daddy?

"Zaijan, kagigising lang ni Daddy so wag mo munang kulitin, okay?" At si Annicka na ang kumarga sa bata.

Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. May ideya na ako. Ayoko lang isipin 'yun na tama. Hindi tanggapin ng isip ko, pilit nirereject. Hindi...hindi maaari...

"But I want a hug from Daddy!" Pagmamaktol ng bata at ngumuso ito.

Sa tingin ko, 3years old na ang bata. Lalong dumadami ang possibilities pero ayoko pa rin tanggapin na posible nga ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Tumingin muli ako kay Calix. Nag-aalangan itong tumingin sa'kin sa loob ng ilang segundo bago nag-iwas ng tingin. Marahil hindi nya nakayang tagalan ang tingin sa mga mata kong nangungusap. Calix, ano nangyayari?

"Later, baby Zai, okay?" Malambing na saad ni Calix sa bata kaya naman umaliwalas muli ang mukha ng bata, ni Zaijan.

Para yatang sinaksak ng ilang libong karayom ang puso ko. Tinawag nyang 'baby' ang bata. Ayoko! Ayokong tanggapin na tama ang hinala ko.

Naguguluhan ako sa mga pangyayari.

"Annicka, let's talk." Mariin nyang binanggit ang pangalan ni Annicka.

"Yeah, sure." Binaba ni Annicka sa sahig ang bata at ngumisi kay Calix.

Nagtataka ko pa rin na tiningnan si Calix pero hindi nya magawang tumingin pabalik sa'kin. Bakit hindi mo ako matingnan, Calix?

"I'll explain..."

Nag-iwas lang ako ng tingin kay Calix. Hindi ko na sya kayang tingnan ngayon. Ano na naman ba ito?

"Alli, look at me." Hinawakan nya ang balikat ko at pilit pinahaharap sa kanya pero nanatili akong matatag.

He's my weakness. Lalo lang akong magbrebreak down kapag tiningnan ko na sya.

"Alli, please. Look at me..." Hinawakan nya ang baba ko para pagtamain ang paningin namin pero inis na tinapik ko lang ang kamay nya.

Pwede bang pakigising na lang ako ulit? Pwede bang panaginip na lang 'to? Masaya naman kami kagabi... pero bakit lagi na lang kapag may saya, may kasunod din agad na lungkot?

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng Calix nang hindi ako tumingin sa kanya. Para saan pa? Para makinig ulit sa mga kasinungalingan nya?

"Manang, si Zaijan..." Habilin ni Calix bago naunang maglalad palabas.

Tumango naman si Manang Min at binuhat na si Zaijan.

After That Day (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon