10: Listen

2K 83 4
                                    

HLATD #10: Listen

Alliyah

Binalot kami nang katahimikan.

Pinahid ko ang luha ko at kumalas sa yakap. Ako ang bumasag sa katahimikan.

"I-I think w-we should sleep now." Naiilang kong wika sa kanya.

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya matapos ang mga pinag-usapan namin kanina.

"Yeah right." Mahina syang tumawa.

"Goodnight."

Saglit lang akong tumingin sa kanya at tumalikod na.Hindi sya nagsalita. Nakasunod lang sya sa'kin hanggang sa loob ng kwarto.

"And what do you think you're doing?" Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib at kunot-noo syang tiningnan.

"We'll sleep."

At inunahan na nya ako sa paghiga sa kama ko.

"Calix, kasasabi ko lang kanina di ba na dahan-dahan lang muna." Pinandilatan ko sya ng mata.Ngumisi lang sya sa'kin at naupo sa kama.

"Okay. Eh di babantayan na lang kita hanggang sa makatulog ka na."

Hindi ako makapaniwalang tiningnan sya.

"And what about you? Hindi ka tutulog?"

Umaktong nag-iisip sya.

"Tutulog ako kapag nakatulog ka na..."

Napairap ako sa ere.

"And what if hindi ako tumulog?" Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Eh di hindi rin ako tutulog. Simple as that!" Nginisian nya ako; isang bagay na kinainisan ko lang.

"That's horrible. Are you even serious?"

Nagkibit-balikat sya.

"I'm always serious. Lalo na sa'yo." Calix and his old ways.

Umiling na lang ako at nahiga sa tabi nya. Hindi ko pa rin maiwasang mailang dahil sa loob ng apat na taon, ngayon lang kami ulit magtatabi sa kama.

"Don't do anything stupid." Mariin kong wika sa kanya bago ako pumikit.Rinig ko ang mahina nyang tawa.

"Yes, Ma'am..."

Hindi na ako sumagot. Pinakiramdaman ko ang katahimikan ng kwartong ito.

Sigurado akong bago ako tuluyang hinila ng antok, malinaw na malinaw na narinig ko ang huling sinabi nya.

"Good night, wifey."

Naramadaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko.

Madalas noon gumigising ako na pakiramdam ko, ang bigat bigat ng dibdib ko. Not in a physical manner pero emotionally. Four years in New York wasn't a joke lalo na't hindi mo halos malabas lahat ng nararamdaman mo. Nakwento ko na kay Paul at Chloe pero hindi pa 'yun lahat. Lagi ko pa rin nilalagyan ng wall sa pagitan namin kasi alam kong limitahan ang sarili ko.

But today's different.

Pagmulat ko, puting kisame ng kwarto ang bumungad sa'kin na hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman ko. Like parang nabawasan.

"Good Morning!"

Napatingin ako sa tabihan ko at si Calix ang bumungad sa'kin. Medyo napapitlag pa ako nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. What is he doing here?

After That Day (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon