20: Choose

2.7K 112 61
                                    

HLATD #20: Choose

Alliyah

Nagising akong masakit ang ulo. Probably because of what happened last night. Marami-rami rin akong nainom at ngayong nararamdaman ko na ang epekto nito, nagsisisi na ako.

Napaungol ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Agad akong bumalikwas mula sa pagkakahiga at tila nagising ang buong sistema ko. Sa sobrang kalasingan namin ng mga kasama ko, dito na lang kami sa unit ni Paul dumiretso. Hindi ko na alam ang iba detalye kung paano kami nakapunta dito ang alam ko lang ay may nagawa akong kasalanan kay Calix.

"Coffee?" alok ni Chloe sa'kin na nadatnan ko sa kitchen.

Tumango lang ako at dumiretso sa sink para maghilamos.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ko pagkaupo ko sa hapag. "Damn! Bakit ko ba naisipan magpakalasing?"

Sinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at pumikit nang mariin.

"Drink this," ipinatong ni Chloe ang tasa ng kape sa harapan ko. "Hindi ka naman kasi sanay na marami ang iniinom, tss."

Sumimangot lang ako sa komento nya at hinalo ang coffee sa harapan ko. Parang lutang ang isip ko at ayaw magfunction nang maayos ang sistema ko.

"Calix was there last night," mataman nyang saad at seryoso akong tiningnan. "What happened?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Chloe at huminga nang malalim. Hindi ko rin matandaan ang nangyari after nyang magwalk-out.

"N-nandoon b-ba s-sya?" kunwaring walang-alam kong tanong.

"Tse. I won't buy that! Tipsy lang ako kagabi kaya tanda ko 'no," ngumuso sya at inirapan ako.

Nagpakawala na naman ako nang malalin na hininga.

"Is Zandro here?" naniningkit ang mata kong tanong. "Or umuwi na rin sa who knows where kagabi?"

"Oh my god! Don't tell me, ipagpapalit mo si Calix kay Zandro?!" pinandilatan nya ako ng mata.

Napapikit ako nang mariin at napahawak na lang sa sentido ko. Pagmulat ko, gulat na ekspresyon pa rin ang bakas sa mukha ni Chloe. Hindi ko maiwasang mapairap sa iritasyon.

"Of course not!" nakasimangot kong sagot at muling binalik ang atensyon sa kapeng nasa harapan ko. "Hindi ko ipagpapalit si Calix."

Mahina ang huli kong sinabi ngunit mukhang malinaw na malinaw sa pandinig nya kaya nagpakawala sya ng tili na dahilan nang pagtatakip ko ng tenga ko.

"Tulog pa si Paul, Chloe!" saway ko sa kanya.

"Sorry na, Liyah! Kasi naman bihira ka lang magsabi ng ganyan," nagpipigil na ngiti na sagot nya.

Sumimsim ako ng kape bago pa ito lumamig sa kakahalo ko.

"Tss. He's changed," tumikhim ako. "A lot."

Halos hindi ko makilala ang Calix na kilala ko noon matapos nyang ipakita ang side nyang iyon kagabi. Ayoko nang ganun sya. Hindi ko kayang tagalan ang titig nyang malamig at parang kinikilatis ang buong kaluluwa ko.

"So that means, hindi pa rin kayo okay," nanghihinayang na sagot nya at hinila ang upuan na katapat ko at naupo sya doon. "Ano bang nangyari talaga kagabi? Bakit sya nagwalk-out?"

"Hindi ko matandaan," iginawi ko ang tingin ko sa kaliwang banda at sinubukang iwasan na lang na pag-usapan ang topic na 'yon. Nakakahiya naman talaga yung ginawa ko kagabi!

After That Day (Book 2)Where stories live. Discover now