18: Enough

2.2K 91 60
                                    

HLATD #18: Enough

Alliyah

Halos maputol na ang takong ng sandals ko dahil sa pagmamadali kong maglakad.

"Damn it!" Inis kong pahayag nang hindi ako pinansin ng taxi driver. Ang hirap naman sumakay! Kung kelan pa ako nagmamadali.

Ano na naman ba ang sinabi ni Daddy kay Calix? Hindi kaya gumagawa lang ng dahilan si Calix para pagmukhain din akong masama?

At dahil wala naman akong masakyan, nagdesisyon akong bumalik sa loob ng building na iyon para harapin at kausapin si Calix. Akala nya ba malulusutan nya ako? Malakas ang pakiramdam ko na gumagawa lang sya ng dahilan para isalba ang sarili nya sa kahihiyan. Poor Calix!

Taas-noo akong naglakad hanggang sa elevator. Hahanapin ko kung saan sya nagtungo. Itutulad nya pa ako sa sarili nya! Tss. Dalawang araw lang akong hindi umuwi sa bahay tapos ibabalita na nya sa akin na ikakasal na ako? Eh sya nga itong ikakasal na pala kay Annicka. Sya nga itong may anak na. Sya yung nagloko tapos ako ngayon ang pagmumukhain nyang masama?

Gigil akong kumatok sa unit ni Paul. Kunot-noo ang binungad nya sa'kin.

"Mother Earth! Bakit ka bumalik?"

Sumilip na rin si Chloe na nakaupo sa couch at nanunuod ng TV. Nakabusangot ang mukha ko nang maglakad ako paloob.

"I hate Calix! I hate him to bits!" Singhal ko habang naglalakad diretso sa kitchen para uminom ng tubig.

"EH? Anong nangyari? Nakasalubong mo, Liyah?"

Kasunod ko na rin pala si Paul at Chloe dito sa kitchen. Nagsalin ako ng tubig at sa baso at uminom muna bago ako magkwento sa kanila.

"Ewan ko ba dun! Inakusahan nya akong ikakasal na! Like, what the fuck? Eh sya nga yung ikakasal na!" Sinuklay ko patalikod ang buhok ko.

"Ikakasal na si Father Earth?!" Namilog ang mata ni Paul.

Napairap ako sa ere. Hindi ko pa pala nakwekwento sa kanila yung nangyari sa elevator kasama ang pinsan ni Calix.

"Oo." Simple kong sagot at ngumuso.

"Kanino?! Eh di ba magkasama pa kayo sa Reunion and sabi mo okay na naman kayo. Anong nangyari? Ikwento mo kasi!" Pagmamaktol ni Paul.

Sa loob ng dalawang araw na nandito ako, hindi ko nakwento sa kanila ng buong detalye ang nangyari sa Reunion.

"Buong detalye ng pangyayari ang kelangan namin." Saad naman ni Chloe.

Huminga muna ako nang malalim bago magsimulang magpaliwanag. Sa sobrang sakit sa dibdib ng mga pangyayari these past few days, parang ang hirap din magsimula kasi hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula.

"Saan ba ako magsisimula?" Halos pabulong kong tanong sa kanila habang nakayuko.

Mga kaibigan ko sila pero hindi pa rin ako komportable na makita nila ang vulnerable side ko. Chloe tap me on the shoulder and gave me an encouraging smile.

"Kung saan mo sure nagsimula ang lahat."

Saan nga ba? Hindi ko pwedeng simulan doon sa nangyari sa amin apat na taon na ang nakakalipas kasi tapos na 'yun. Panibago na ang panglolokong ginawa nya ngayon.

Or maybe I was wrong about everything. What if continuation lang naman pala ito? Tuloy-tuloy lang kasi hindi naman talaga natapos ang lahat ng meron sa amin noon? But who am I kidding? Annulled na kami. Wala ng iba pang nag-uugnay sa aming dalawa.

After That Day (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon