STAGE 4

17 9 0
                                    

* K I N A B U K A S A N *

Nararamdaman kong may umuuga sa 'kin mula sa pagkakahimbing nang tulog ko.

“Honey, wake up. Time to eat your breakfast and take your medicine.” naghahalong lamyos at lambing ang boses ni Mama at kay sarap nitong pakinggan na mas lalong nagpapikit nang mga mata ko.

Gising na ang diwa ko pero mga mata ko na mismo ang ayaw pang-magmulat.

Nakatulog agad ako kahapon kahit papagabi pa lang dahil sa may pumipintig na naman sa may parte ng ulo ko.

Pero ang nangyari kahapon ang 'di ko makalimutan.

Paano ko pangingitunguhan ngayon si Kier?

Bumabagabag na tanong na naman sa utak ko.

Pero…

BAHALA NA!

Unti-unti ko ng iminulat ang mga mata ko. At sa pagdilat ko'y nasilaw pa 'ko sa ilaw ng bumbilya sa kisame kaya naitaas ko ang kanang kamay ko pantakip sa liwanag na nang-gagaling sa taas.

Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si Mama na may inaayos sa may mesa habang nagsasalitang gumising na daw ako. Kaya naman tumingin na muna ako sa kaliwang bahagi ko kung nasaan ang may bintana na makikita sa likod nito ang harden.

Naalala ko na naman ang kahapon.

Nakakahiya!

Kaya dali-dali naman akong umupo para sana maalis sa isip ko kaya lang sa pagbangon ko ay nahilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko.

“Oh! Honey, ‘wag ka kasing bigla-biglang bumabangon…” sabay lapit ni Mama para alalayan ako. “… sandig ka muna d‘yan aayusin ko lang kakainin at ang gamot mo.” sabay balik n'ya sa may mesa.

Sumasakit na naman ang ulo ko pero 'di ko pinapahalata kay Mama dahil alam kong mag-aalala na naman s'ya.

“Here… ubusin mo huh?” sabay lagay ng table-bed sa harap ko sunod ng kakainin ko.

Pero 'di ko pinansin si Mama at ang pagkain na nilagay n'ya sa harap ko.

Napahawak na 'ko sa ulo ko dahil unti-unti na itong pumipintig ng sakit.

U-ugh!…” mahina nang angil ako.

Napatingin ako kay Mama. Nagdadala-dalawa ang paningin ko kaya ipinikit-pikit ko ang mata ko para sana luminaw pero lalo itong lumalabo.

H-honey, w-whatanong m-masakit—”

Unti-unti ng humihina ang pandinig ko.

Hanggang sa…

Eeeeeeeennnnnnggggggkkkkk

Napahawak na 'ko sa may tenga ko.

Masakit ang tunog

Nakikita ko si Mama'ng nagsasalita base sa pag-galaw ng bibig n'ya pero wala akong naririnig.

Hanggang sa unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko si Mama'ng lumabas ng ward ko.

The Forbidden Love (One Sick Love Story)Where stories live. Discover now