STAGE 5

25 4 0
                                    

"Hindi ba't masyadong madali itong nangyayari sa 'tin ngayon?" napayuko ako. Ayokong tingnan siya. Ayaw kong salubungin ang mga tingin niya.

Nahihiya ako.

"N-nagsisisi ka ba?... nagsisisi ka ba sa nangyari sa 'tin kagabi?" base sa pananalita niya ay tinutukso lamang niya ako dahil sa 'di ako makatingin sa kaniya.

Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko't hinawakan ang balikat ko pagkatapos ay pinaharap sa kaniya.

"I can be the best of your best friend and I can be your best partner..." out of the blue ay bigla na lang niya itong sinabi. "...maybe I'm not your ideal man but if you try to love me I'll be the lucky man."

"Hahaha..."

'Di ko alam pero bigla na lang napalitan ng tawa ang kanina'y pagkahiya ko.

"W-what's funny?" walang pasubali niyang naibaba ang kamay niyang kanina'y nakahawak sa balikat ko.

"Baliw ka ba? Ita-try ko pa bang mahalin kita eh nasabi ko na nga ang nararamdan ko sa 'yo a-at..." imbis na rugtungan ko pa ang dapat sana'y sasabihin ko ng makita ko ang ngisi na nakapaskil sa labi ni Kier. "...KIER!..." napalo ko wala sa oras ang balikat niya.

"Hahaha... ang cute mo kasing magkwento. Haha... ang inosente." inirapan ko na lang siya.

Tanghaling tapat ay dito kami sa hospital garden. Nalilimliman kung nasaan kami dahil sa marami naman ang puno dito.

Agad na humiga si Kier sa may hita ko't linagay ang isang braso pantakip sa mata niya. Itinaas ko ang isa kong kamay at hinaplos-haplos ang buhok nito.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan ng magsalita ulit si Kier.

"Let life unfold..."

Huh?

Ano ba ang mga pinagsasabi-sabi nito? Kanina pa 'to ah.

"Alam mo kanina ka pa. Out of the blue ay kung ano-anu ang lumalabas diyan sa bibig mo."

Bigla naman siyang napaupo at humarap sa 'kin habang inaayos ang pagkakaupo niya.

"Heather..."

"Oh?"

"Let's enjoy every MOMENT."

"H-hindi pa ba enjoy sa 'yo na mahal kita na may nang-"

"Tsk. 'di naman 'yan ang gusto kong sabihin..." napapakamot na aniya. "...life is too short to wait... so, imbis na maghintay tayo kung kelan tayo gagaling-kung gagaling pa nga ba. Life is too short, so laugh when you can, apologize when you should and let go of what you can't change."

The Forbidden Love (One Sick Love Story)Where stories live. Discover now