Chapter 3

7 2 0
                                    


BEATRICE

"...palagi ko naman pong kasama si Andrew."

I know I shouldn't be jealous or something but I can't help it. She's my sister after all. I know better than anyone when it comes to my sister. Alam kong wala siyang panahon sa love life niya kasi sobra siyang busy sa studies niya. But why can't I be at ease lalo na kapag nasasama na sa usapan si Andrew? Malabong magkagusto si ate kay Andrew kasi nga they're just friends. Pero hindi ko alam kay Andrew.

Ever since yung incident kanina sa dining room, mas lalo akong nabother. I know that there's nothing going on between the two but I need to be sure. I don't want us fighting over some guy. 

Ang boring dito sa bahay kapag wala si ate Bethany. But I'm grateful because the classes are suspended. Meaning, more sleep for me.

Pupunta na ako sa bed nang biglang magring yung phone ko. Agad ko namang tinignan kung sino yung caller.

*bailey calling...*

Huh? Bakit naman ako tinatawagan ni Bailey? Hindi naman sa ayaw ko pero hindi kami gano'n kaclose tsaka kaya lang naman kami may number ng isa't-isa ay dahil siya ang aming class president.

"Hello, Beatrice?"

"Hi, bakit ka pala napatawag?"

"Ano kasi may nangyari sa school," medyo natatakot niyang sinabi.

"E diba suspended high school? Anong ginagawa mo diyan ngayon?"

"Kaya lang naman ako pumunta rito kasi gagamitin ko itong free day para magsagawa ng interview sa mga soccer athletes. Nung papunta na ako sa field, nakarinig nalang ako bigla ng parang mga nag-aaway kaya naman nakitingin ako. At nagulat ako nang nakita ko yung kaibigan ng ate mo! Yung soccer player..."

Agad akong nanlamig sa narinig ko. Isa lang naman ang soccer athlete na kaibigan ng ate ko. Walang iba kung hindi si Andrew.

"What happened to him?!"

"Eto nga, kakasugod lang sa kanila sa clinic. Hindi ko kasi alam ang number ng ate mo kaya ikaw ang naisipan kong tawaga--"

*call ended*

Agad kong binuksan yung closet ko at naghanap ng susuotin. Kahit na wala kaming pasok ngayon, pupuntahan ko si Andrew. Bahala na.

Nagmadali akong bumaba at tinignan kung nasaan sila mommy.

"May lakad ka ba anak? Maulan ngayon a baka mapano ka diyan sa labas," nag-aalalang sinabi ni mommy.

"Mommy, nasa clinic po kasi si Andrew. I just need to make sure that he's fine then uuwi rin po ako agad," sabi ko sabay halik sa pisngi ni mommy.

"Mag-iingat ka at magdala ng payong!"

Huli kong narinig bago ako tuluyang makaalis. Para mas mapabilis ako ay nagtaxi nalang ako. Hindi naman ganoon kalayo yung university mula sa bahay namin.

10:38 am

Nakarating na ako na sa school. Nagmadali akong magbayad at pumasok sa loob. Good thing, kilala na ako nung mga guard dito kaya mas madali akong nakapasok. Suspended kasi kaya malabong magpapasok sila ng high school student.

Tumatakbo ako papuntang clinic at tila wala akong ibang iniisip kung hindi ang kondisyon ni Andrew ngayon. May klase pa ngayon ang ate ko kaya malamang ay hindi pa siya nakakapunta ng clinic. 'Pag nalaman niya ay sure akong mag-aalala siya ng sobra.

Narating ko ang clinic na hindi ko man lang namamalayan. Masyado ko atang iniisip si Andrew.

Nag-ayos ako saglit ng bangs dahil nagulo ito sa pagtakbo ko atsaka pumasok na. Sumalubong sa akin yung isang nurse. Hindi ko siya kilala kasi hindi talaga ako pumupunta sa clinic masyado.

"Hello po, nabalitaan ko pong sinugod dito si Andrew dela Fuente," pag-uumpisa ko't ngumiti naman yung nurse. Agad niya akong inalalayan sa kinaroroonan ni Andrew. I just realized that we have a spacious clinic.

"Nandito nga siya," sabi nung nurse at iniwan niya na ako. Medyo kinabahan ako kasi what if maging awkward? Pero 'pag hindi ko binuksan itong pinto hindi ko malalaman kung anong lagay ni Andrew.

It's now or never, bahala na.

Binuksan ko na yung pinto.

"Beatrice?" Gulat na gulat si Andrew nung nakita niya ako. Lumapit naman ako agad sa kanya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba? Sinong guma--" natigil ako sa pagsasalita nung hinawakan ni Andrew yung kamay ko at dahan-dahan itong binaba mula sa pagkakahawak ko sa balikat niya.

"I'm okay, Beatrice," sabi niya sabay tingin sa may pinto na tila naiilang sa akin.

Agad naman akong nakaramdam ng inggit. Siguro kung si ate yung nandito ngayon ay sobrang saya ni Andrew at hindi ganito ang magiging reaksyon niya. Hay ano bang iniisip ko ngayon?

"Mabuti naman...'wag ka mag-alala kaya lang naman ako nagpunta ay para makasiguradong okay ka, wala naman akong balak magtagal," mabilis kong sinabi at tatayo na sana ako palayo nang bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. Damn this feeling. Wala ba siyang idea kung anong nararamdaman ko ngayon?

"Don't go," mahina niyang bulong at napangiti naman ako't humarap sa kanya. Hindi na ako nahiya't niyakap ko na siya. Pero siyempre friendly hug lang naman.

"I'm glad na hindi ka masyadong nasaktan," bulong ko habang nakayakap pa rin.

Nahinto yung moment nung bigla siyang bumitiw.

"Yea napasali lang naman talaga ako sa away," he explained. "Ang totoo niyan, nasa kabilang room yung pinakanapuruhan sa amin. Derrick ang pangalan niya't siya yung binubugbog kanina nung naabutan ko yung away. Siyempre agad akong tumulong para awatin sila pero ayon nadamay rin ako," pahabol pa niya.

This is what I like about Andrew. He's selfless and always ready to help.

"Okay ka lang ba, Beatrice?"

Natulala ata ako.

"Oo naman..."

Nagdecide akong bilhan ng pagkain si Andrew dahil malapit na rin namang magbreak. Sabi ko mabilis lang ako rito pero kasi walang umaalalay sa kanya. Malamang busy pa si ate.

Pagbalik ko ay inalalayan ko siyang kumain at maingat kong sinusubo yung pagkain kasi magang-maga yung sa kaliwa niyang pisngi. Iniisip ko nalang kung paano pa kaya yung pinakanapuruhan?

Nang matapos siyang kumain, nagliligpit lang ako nang bigla namang bumukas yung pinto.

"Beatrice?"

I kind of expecting this, anyway.

Love at First Site Where stories live. Discover now