Chapter 7

5 0 0
                                    

ANDREW

Parang baliw si Betty ngayon. Para kasi siyang may kinakausap pero wala naman talaga. Nagtitinginan kami pero umiiwas lang siya tapos biglang ngingiti. Baliw ba siya?

"Irene, anong nangyari sa kaibigan natin?" Bulong ko kay Irene habang hindi nakatingin si Betty sa amin. Nginitian lang ako ni Irene. Isa rin itong baliw. Hay nako, si Lauren nalang kakausapin ko.

Lumapit ako kay Lauren para tanungin kung bakit nagkakaganon si Betty. She's kind of weird right now. Bakit slowly, nakikita ko yung ibang side niya? Kahapon, yung romantic side. Ngayon, yung weird side.

"Feel ko pinanuod niya yung link na sinend ni Irene kagabi kaya siya nagkakaganyan," Lauren said with a smirk, enough to make me feel irritated. Bigla akong nairita kasi alam kong palagi silang nagsesend kay Betty ng mga links na may kinalaman sa mga boys. Bruh. Gusto kasi nilang ilabas yung girly girl side ni Betty which for me is kind of rude. Hay nako, sa kanilang tatlo kasi si Betty nalang ang walang boyfriend. Though they're not forcing her to have one but obviously they are trying to imply that she should have one.

Tinignan ko ulit si Betty, this time mas lalo akong nairita kasi dalawa na sila ni Irene na parang baliw kakangiti. Nag-aasaran sila at I swear ngayon ko lang nakita si Betty ng ganyan.

"Hey guys, I'm baaack!"

Lauren's right. Pinanood nga niya yung link. Natatawa pa sila na kinikilig habang paulit-ulit na sinasabi kung ano man yung sinasabi nila.

"Guys, what did I miss?" Napatingin kami ni Lauren kay Heidi. She's holding a plastic bag but I can't say what's inside.

"Ano 'yan?" Tanong ni Lauren.

"Well, I bought some snacks!"

Nice one, Heidi!

"Hoy kayong dalawa diyan, halina na kayo," tawag ni Heidi sa kanila tapos lumapit naman sila agad. Hay salamat sana lang matino na ulit si Betty.

"Thank you, Heid!" Masayang sabi ni Betty pakakuha ng muffin. Kinuhanan niya rin ako.

"Thanks," sabi ko.

"Drew, may kailangan pala akong itanong sayo," seryoso niyang sabi.

Ayoko talaga ng mga ganitong moment. Yung seryoso siya. Ang bilis naman kasi magbago ng mood nito. Kanina lang ang saya-saya nila tapos biglang magiging seryoso?

"About what?"

"E basta, tsaka mo na malalaman 'pag nag-usap na tayo."

"Hindi pa ba tayo nag-uusap," biro ko pero parang kumunot yung mukha niya.

"'Wag na nga lang," sabi niya sabay talikod sa akin. Bumalik siya sa pwesto niya kanina. Nagbibiro lang naman ako e. Bakit ang hirap intindihin yung mood ng mga babae?

"Hoy joke lang naman," sigaw ko pero hindi na ako pinansin ulit.

"Dalaga na talaga si Beth," sabi ni Lauren habang kumakain. Bakit bigla akong naiirita sa mga side comments ni Lauren? Dati naman hindi. Siguro ayoko lang kapag tungkol kay Betty. Pero si Betty rin lang pinag-uusapan namin kahit dati. Agh! Isa nalang tatandaan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love at First Site Where stories live. Discover now