Chapter 5

5 0 0
                                    

ANDREW

Nakauwi na si Beatrice kanina kaya medyo nawala na yung tension dito.

"Nurse Joy, sa bahay nalang po ako magpapatuloy magpahinga. Wala na rin naman po kasi akong class," sabi ko sabay dahan-dahang tumayo.

"Okay ka na ba? Kaya mo na ba?"

"Opo nurse Joy."

"O sige kapag okay ka na diyan, pwede ka nang umalis. Pumunta ka kay nurse Kim para sa pipirmahan mo, okay?"

Tumayo na ako pagkatango ko at kinuha yung bag ko. Nasilaw yung mata ko pagkakuha ko nung bag. Napansin kong may kumikinang nga doon sa may likod ng bag ko kaya lumapit pa ako.

Bracelet.

"Huh? Kanino naman kaya ito? Paano naman ito napu--"

Napatigil ako nung narealize kong isang tao lang ang pwedeng mag may-ari nito. Walang iba kung hindi si Beatrice. Oh crap.

Kinuha ko na yung bracelet at tinabi sa bag ko. Sana maalala kong ibalik sa kanya mamaya. Pupunta pa kasi ako sa coffee shop namin dahil kailangan ako doon ni papa.

Umalis na ako sa kwarto at lumapit kay nurse Kim. Ngumiti lang siya sa akin at bumalik sa ginagawa niya. Pagkapirma ko ay tumalikod na ako para umalis.

"Ang swerte mo sa girlfriend mo, Andrew," sabi niya na ikinagulat ko naman. Sino bang tinutukoy niyang girlfriend. Hah, as if mayroon nga.

"Ahhh wala po akong girlfriend nurse Kim, kaibigan ko lang po 'yon," sinabi ko habang naiilang akong tumingin sa kanya.

"Pero kung mag-alala siya sayo parang hindi lang kaibigan e," hirit pa niya at hindi ko na siya pinansin. Tuluyan na akong umalis sa clinic.

Sino kaya yung tinutukoy niya? Malamang hindi si Bethany dahil marami silang dumalaw kanina. Hay nako, nakakabaliw mag-isip. Pupuntahan ko nalang si papa.

4:36 pm

Nakarating ako sa coffee shop namin at napansin kong napakaraming tao. Kaya pala ako pinatawag ni papa. Kinabahan ako dahil baka mapansin ni papa yung pamamaga ng pisngi ko pero sabi naman ni nurse Joy ay medyo okay naman na yung pisngi ko. Hindi nalang siguro ako lalapit ng husto para hindi niya mapansin.

Pagpasok ko ay agad tumambad sa harapan ko yung mga taong nagkakagulo malapit sa counter. Hindi ko na masilip kung ando'n si papa.

"Anak, andyan ka na pala!" Masayang bati ni papa at napatingin ako kung nasaan siya. Paglapit ko ay inabot niya sa akin ang isang tray na may dalawang tasa ng kape.

"Mabuti pa't ihatid mo 'yan doon sa dulong lamesa," sabi niya sabay balik sa pag-aasikaso sa mga customers. Sumunod naman ako at pumunta na sa dulong table. Buti nalang hindi niya napansin yung psingi ko.

"Ay siya ba yung anak ng may-ari," bulong nung nasa dulong table. "Ay ang gwapo naman ng batang ito," bulong pa nung isa. Akala naman nila hindi sila naririnig pero hinayaan ko nalang. Pagkalapag ko nung tray, ngumiti ako sa kanila.

"Here's your order, ma'am," I said politely. Umalis na rin ako agad bago pa ako kausapin.

"Dad, bakit maraming customer ngayon?" Tanong ko agad sa papa ko nung makalapit ako at walang nakatingin sa amin.

Love at First Site Where stories live. Discover now