Chapter 6

9 0 0
                                    

BETHANY

Bago ako umuwi ay binigyan pa ako ni uncle Franco ng isang box nung cupcake dahil gusto niyang matikman din nila papa. Alam kong matutuwa si papa 'pag nalaman niyang may bago na naman sa menu nila uncle. Para lang kasi kami ni Andrew sila papa. Bestfriends din sila at napakasupportive sa isa't-isa.

Malapit lang naman yung coffee shop nila uncle kaya naglakad na ako pauwi. Minutes later, nakarating din ako sa amin.

"Nako, ma'am, ginabi ka ata," sabi ni ate Rose pagkabukas nung gate.

"Kelan pa po kayo ate nakabalik?" Masaya ako at nakabalik na si ate Rose.

"Kanina lang ma'am," sabi niya at binuhat niya na yung dala kong box ng cupcake. Pumasok na rin ako.

"Ate!" Tumakbo si B papunta sa akin at niyakap ako. Ah this girl!

"Oo na, namiss din kita kahit nagkita tayo sa school kanina," sabi ko at natawa rin ako. Naisip ko kasi yung kanina. Ang unfair kay B na inisip ko pang nagseselos ako. How petty. Malinaw naman na worried lang ako for Andrew because I'm his best friend.

"Ano yung dala mo?"

Bumitiw na siya't tinuro yung box na nakapatong ngayon sa may countertop.

"Well, may bagong cupcake si uncle Fran--"

"Omigosh, daddy!"

Natawa naman ako dahil nagmadali si B para lang kumuha ng saucer. Nilapag ko yung bag ko sa sofa tapos pumunta na rin sa kitchen. Ako naman kukuha ng mga baso.

"Bethany, ikaw na ba 'yan?"

Naririnig ko yung footsteps at mas lalo akong natuwa.

"Opo ma," sabi ko paglabas ng kitchen.

Nagmano ako sa kanila at nakita kong lumaki yung mga mata ni papa nung makita niya yung nilalabas ni B sa box. Lumapit na kami sa dinner table at umupo na habang naglalagay naman si ate Rose ng mga tinidor.

"Doon po ako galing bago ako umuwi. Madami nga pong tao ngayon doon papa e," sabi ko at nag-umpisa na kaming kumain.

"Nakoooo," sabi ni papa pakatikim ng cupcake. Natatawa kami nila mama at B sa kanya dahil alam kong nasarapan siya sa cupcake.

"The best!"

Nagtawanan kami sa priceless na mukha ni papa. Ang saya lang talaga ng family namin. Mababaw lang kaligayahan namin.

"Ate Rose, why don't you join us?"

Umupo na rin si ate Rose at kumain na rin. Matagal na sa amin si ate Rose kaya naman hindi na rin iba yung tingin ko sa kanya. She's already a part of this family. I'm truly grateful for that.

8:44 pm

Kanina pa kami natapos kumain at nandito na ako sa room ko. Tinatapos ko yung homework namin. Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa ng isang article nang magring yung phone ko.

"Yes, hello?" Hindi ko na natignan yung caller kasi medyo nagmamadali na ako. Malapit na kasi akong matulog. 9 pm ang usual sleeping time ko.

"Bes, you have to check this link. Wait I'll send it to you," sabi ni Irene. Ano na naman kaya ito. Kelan ba sila titigil sa ginagawa nila.

"There, check your inbox after you're done with Lit, okay," sabi niya sabay baba ng phone.

As if naman ichecheck ko. Matutulog na kaya ako.

Nang matapos ako sa homework (thank God!) nagdecide ako kung ichecheck ko pa yung link na sinend ni Irene. Hay nako, feel ko another guy na naman 'yan na naging viral or something. Tinabi ko na yung notebook ko at matutulog na talaga ako.

Pagkagaling ko sa sa comfort room, nagsuklay ako ng buhok at nahiga na sa kama. Pagyakap ko sa unan, narealize kong sobra pala akong napagod today.

"Finally," bulong ko at pumikit na.

3 minutes later...

Hindi ko magawang matulog nang tuluyan kasi naglalaro sa isip ko yung link. Nako naman! Nakakaasar naman itong si Irene e.

Tumayo ako't kinuha yung laptop ko. Siyempre hindi ko pinapatong sa lap ko unless may unan kasi yung radiation.

Nag-open agad ako ng inbox at nakita ko na online pa rin silang tatlo. For sure, inaabangan nila ako kaya naman nagchat-off ako. Hindi na ako nag-atubili at pinindot na yung link.

Loading...

'Pag walang kwenta talaga ito, maiinis ako sa kanila.

"Hey guys, I'm baaaaack..."

I can't believe that right now I'm watching a reaction video.

After 11 minutes, natapos din sa wakas yung video. Hindi ko rin alam kung bakit ko tinapos yung video. It's just that whenever I look into his eyes, I feel at ease. Parang sobra siyang gentle and caring. And gay.

I better sleep now. Mamaya magclick pa ako ng isa pang video niya. No no no no.

Isasara ko na laptop ko pero tumigil ako. Dammit! I actually enjoyed the reaction video that's why I want some more. I decided to watch another video.

"Last na then matutulog na ako promise!"

Liar.

Nakathirteen ata akong videos bago ako natulog. Oh gosh I like this funny guy.

______________________________________

What's up guys? So what do you think about this chapter? Share with me your thoughts by commenting! I'd appreciate it even more if you'll click the star button! :) Kamsahamnida.

Love at First Site Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon