Chapter 4

10 1 0
                                    

BETHANY

Hindi sa ayokong makita si Beatrice rito pero kaya nga suspended yung classes nila dahil malakas ang ulan. Bakit pa niya naisipang umalis ng bahay at paano niya nalamang nandito si Andrew?

"What are you doing here, B?" Mahinahon kong tanong.

"Well, Andrew's injured. He needs someone to take care of him," Beatrice snapped. Agad naman kumulo yung dugo ko nung narinig ko yung tono niya.

"Betty, I'm good," biglang sabi ni Andrew at agad naman akong kumalma. Napatingin ako sa kanya at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Magang-maga yung kaliwa niyang pisngi.

"Omigosh, sino bang gumawa sa'yo niyan?"

Lumapit kaming apat sa kanya at lumayo naman si Beatrice. Naramdaman ko yung tension na naramdaman ko kanina sa bahay nung kumakain kami. Damn. Eto na naman. It's hard to see Beatrice getting hurt pero ano bang magagawa ko? Kaibigan ko rin naman si Andrew and hindi ko naman kayang hindi siya pansinin lalo na't nangyari pa ito.

Matagal ko nang pinaplanong iwasan si Andrew for the sake of Beatrice and this happened. Mas lalo lang tuloy nanaig yung pagkagusto kong manatiling kaibigan niya. I just want to be his friend.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Irene.

"Oo, mabuti nga at nandito si Beatrice," sabi niya at tumingin naman agad ako kay B. Kitang-kita ko kung paano siya napangiti doon pero agad itong tinago. How silly.

"Ngayong okay ka naman, Drew, aalis na kami at kakain din," pagmamadali ko't kinuha na yung bag ko sa may sahig.

"Aalis agad kayo?" Gulat na gulat na tanong ni Andrew. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon nasabi pero alam kong magiging mas masaya si B kung aalis na kami.

"Oo nga ate, kakapunta niyo la--"

"We're good. Bantayan mo nang maigi 'yang si Drew, okay?" Nagwink ako sa kanya nung alam kong hindi nakatingin sa akin si Andrew o kung sino naman sa mga kaibigan ko. Lumaki naman yung mga mata ni B pero ngumiti rin siya pakatapos.

"See you later then," pahabol ni Drew.

Nang makalabas na kami ay agad naman akong hinatak nung tatlo sa gilid. "Mag-usap nga tayo, Beth," sabi ni Lauren at agad namang tumango yung dalawa.

They are trying to make the gap between us smaller by moving inch by inch.

"Okay I get it guys!"

Huminto naman sila at tinignan ako as if they're saying, 'start it now or else'.

"Gusto ko lang naman na kumain na tayo ng lunch. At mas lalo akong napanatag nung makita kong nandoon si Beatrice para alalayan si Drew," nagpaliwanag ako pero parang hindi naman sila naniniwala.

Pero 'yon naman yung totoo e.

"Alam mo naman na sayang yung pagkakataon na 'yon diba? Chance mo na nga 'yon kay Andrew tapos pinakawalan mo pa," pagmamaktol ni Lauren at gumaya rin yung dalawa sa kanya.

"Hala 'wag nga kayong baliw diyan," medyo natatawa pa ako nung sinasabi ko 'yon. Hindi kasi ako makapaniwala na hanggang ngayon pinupush pa rin nila ako kay Drew. Hay nako. Good luck with that.

"Dahil pinakawalan mo yung chance at kami ay hindi natuwa, ililibre mo kami ng lunch!" Biglang sabi ni Heidi at nagsitakbuhan sila. Iwan ba naman daw ako rito? "Hoy, teka lang!" Sigaw ko sabay sunod sa kanila.

Ako na nga manlilibre tapos ako pa iniwan dito???

Sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan yung mga paparating na bball athletes kaya nakabangga ko yung isa sa kanila. Dere-derecho lang yung iba sa pagtakbo habang hinihimas ko naman yung likod ko. Aray ang sakit a!

"Miss, are you okay?"

That my friend, is the stupidest question I've ever heard.

Of course I'm not okay! It's not like he's blind or something that he cannot see that I'm not okay.

Hindi ko siya sinagot at nagpilit akong tumayo nang matumba ako ulit. This time agad naman umiral yung pagiging gentleman niya at nakaalalay agad siya sa akin. Dahan-dahan niya akong tinayo at siyempre nagkatinginan kami. Mata sa mata. 'Yon nga lang hindi ito movie na kung saan may sparks and all tsaka may nakakakilig na background music. Reality ito kaya walang gano'n.

"Thanks," sinabi ko agad at tumalikod na para pumunta sa cafeteria.

"I'm sorry miss," sinabi niya habang nakatalikod na ako sa kanya. Haharap na sana ako dahil bigla naman akong naguilty kasi naging gentleman naman siya pero ang sungit ko pa rin pero narealize ko sa pagharap ko na wala na pala akong kakausapin. Nakita ko siyang nagmamadaling magcatch-up sa ibang athletes. At nakita ko pa na kinakausap pa siya nung isa at alam ko namang ako yung tinutukoy nila kasi medyo napatingin sila sa direksyon ko. Tumalikod agad ako at tuluyan nang naglakad.

Jerk.

E ano pa nga bang aasahan ko? Halata namang player.

Pagdating ko sa cafeteria, nakita kong kumaway sila Heidi sa akin. Pumunta naman ako sa kanila.

"Uy bes, binibiro ka lang naman namin about sa paglibre sa amin. Hindi mo naman kailangang tagalan ang pagpunta rito," sabi ni Irene at natatawa silang tatlo.

"Mga baliw, may nangyari kasi nung iniwan niyo ako. Hay nako, 'wag na nating pag-usapan at kumain na tayo."

Pumila na nga kami at pumili na ng kakainin. Wala ako sa mood kumain ngayon pero hindi pwedeng hindi ako kakain. Mag-aalala sila mama niyan.

Pagbalik namin sa upuan namin, tahimik akong nagsimula sa pagkain. Ramdam ko yung mga mata nila sa akin pero hindi ko na pinansin.

"Bes, alam mo ba kanina pa namin napapansin na parang ang lalim nang iniisip mo," sabi ni Heidi. Napatigil naman ako sa pagkain. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Naaasar lang siguro ako dahil sa nangyari kanina.

'Yon lang ba?

Aish. Shut up. Oo naman no, ano pa nga bang dahilan. Naaasar lang ako sa mga athletes dito sa school except siyempre sa soccer athletes.

Baka naman nagseselos ka dahil magkasama ngayon sina Beatrice at Andrew...

"Hell no!" Napalakas kong sabi at lalong nagtinginan sa akin yung tatlo. Agad ko namang narealize na pinagtitinginan ako kaya yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na ako pinansin nung tatlo, mabuti naman.

Nagseselos nga ba ako? Pero bakit naman??? Kaya ko nga sila iniwan para nga naman magkasama sila. Aish. I hate this foreign feeling.

So much.

Love at First Site Where stories live. Discover now