-17-

54 9 7
                                    



Kakakambal ng luha ay ang saya

Karugtong ng wakas ay ang simula

Kasama ng paglubog ay ang paglutang

Kasunod ng tag-araw ay ang tag-ulan


Kasama ng tapang ay ang takot

Sila'y mga bagay sa iisang bahagdan

Tulad ng digmaan at kapayapaan...

Ng kahirapan at kaunlaran..


At kung inyong iisipin kanilang kaugnayan

Matatanto ang lalim ng pinanggaligan

Sapagkat ang mga bagay na magkasalungat

Ipinagtambal ng diwa at may iisang ugat


Ano nga bang pagkakaiba?

Ng pakabigo at tagumpay?

Ng kahinaan at kalakasan?

Ng kasamaan at kabutihan?


Sila'y mga bagay sa iisang balangan

Malaki man ang kaibahan

Sila'y nasa iisang kanlungan

Sapagkat ang pagitan ay iilang hakbang


Cognition | In the DarkWhere stories live. Discover now