Advice#32: How to make him Feel I LOVE HIM.

575 7 2
                                        

Problem/Question: Una sa lahat, ate! Isa kang mabuting nilalang na ipinanganak at ipinagkaloob ng diyos ng mabuting loob! Haha! Ang lalim eh! XD Ito na po talaga! :))

 Ahh~ ganito po kasi yun! May boyfriend po ako, 1 year and 2 months na po kami ngayon. Masaya kami at maayos po ang relasyon namin, ang kaso lang madaming nagtataka sa'min. Nac-curious ba. Sabi po kasi ng friend ko na guy, parang hindi ko na daw siya mahal. Bakit niya natanong yun? Hindi pa kasi kami nag-kiss, nag-hug, and the like. Ayoko naman kasi talaga eh, high school pa lang po kasi kami. Ni holding hands nga po hindi namin magawa. Nahihiya pa rin po kasi ako sa kanya. Ang problema ko, masyado kong inisip yun at hindi ko rin pinansin yung bf ko ng 2 months. I mean, hindi kami nagkikita. Hanggang text lang kami. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi siya nagtaka nun! Ano po ba ang pwede kong gawin para iparamdam sa kanya na mahal ko talaga siya? Yung hindi din po PDA masyado? Masyado ko din po kasing inaalala ang mga sinasabi ng mga ibang tao :(

 Thank you po! Sobra~ aabangan ko po sagot niyo! Ahhh! Sana din po pala walang makaalam na galing po sa'kin to, baka po kasi may makakita eh, nakakahiya po >////< Thank you! >:D<

REALADVICE: Alam mo, minsan hindi mo kailangan isipin ung mga sinsabi ng iba.. Maayos naman kayo ng hindi kayo nagPPDA diba? Hindi naman nagrereklamo ung Guy. Kasi okay lang sa kanya. Kasi nirerespeto ka niya. Tinatanung mko kung ano ang dapat mong gawin para maramdaman niyang mahal mo siya? JUST BE YOURSELF. At gawin mo kung ano ang dapat. Ano ang sinsabi ng isip mo at ng puso mo. Hindi mo kailangan magpretend to be somebody.

Bakit mo hindi pinansin ang BF mo? Wala naman siyang ginagawa eh diba? Pero iniwasan mo siya sa ginawa mo mas lalo mong pinaramdam sa kanya na hindi mo siya mahal.

Ang love nararamdaman yan, pinaparamdam yan sa taong mahal natin. Pinaparamdam natin ng hindi natin sinasadya. Kasi kung pinipilit natin ang sarili natin na gawin ang isang bagay maparamdam lang ang love natin. MEaning hindi yun love. Kasi pinilit mo lang ang sarili mo.

Remember, Sa love you don't need to force yourself. You need to be yourself. And do what you think you should.

Nasa tao naman yan kung maaappreciate niya ang ginagawa mo para saknya, para iparamdam sa kanya ang nararamdaman mo na love para sa isang tao.

Alam mo kung lagi mo na lang iisipin ang iisipin ng ibang tao, sa bawat galaw mo hindi ka uusad. Hindi ka sasaya. Hindi mo kailangan magalala kung ano ang iispin nila sayo. Mas mahalaga pa ba yun kesa kung ano ang meron kayo?

baka kasi dahil pinakinggan mo sila baka masira lang ang kung anung meron kayo ngayon.

You knwo LOVE doesn't need touching or PDAs. Because real love is just felt by heart.. Proud ako sa BF mo na kinaya niya yan meaning you are really something. you are special and he respects you. Un ang tunay na love hindi mo kailangan ng holding hands, kiss hug para lang magtagal kayo, para lang mapatunayan niyo na mahal niyo ang isa't isa. Mapapatunayan niyo un by being LOYAL, FAITHFUL and TRUSTHWORTHY.

I hope hindi ka magbabago dahil sa sinsabi ng iba. I think para sa BF mo you are PERFECT as you are.

By:YourWattyRebel

Date: April 6

ADVICE ni YWR para sayo. :)Where stories live. Discover now