Advice #41: Gusto o Hindi?

495 3 2
                                        

Problem/Situation: Member po kasi ako ng youth sa church namin. Tapos may crush ako duon na sakristan, at member din siya ng youth.

Siya si Ken.

Matagal ko na siyang crush, mga 1 year and two months na ata. Pero hanggang ngayon di parin kami close or friends. Hanggang pagsulyap lang ang kaya kong gawin dahil nahihiya akong kausapin siya. Pero minsan pag titingin ako sa kanya, iiwas agad siya ng tingin. Feeling ko, sinusulyapan niya rin kaya ako?

One day, may naganap na practice for Holy Week (station of the cross) at kasali ako duon at pati siya. Lumabas ako duon sa room saglit at sinundan niya ako.

Nabigla ako dahil kinausap niya ako, first talk niya yun sa akin. Sabi niya....

“friend...ahmmm, kung may... feelings ka sa akin... ahm, wag mo nalang ituloy. Dahil may iba akong diniskartihan”

Ang saya ko nuon dahil kinusap niya ako. Pero I didn’t expect na yun pala ang sasabihin niya.

Pumasok na siya at ako duon, naiwang speechless. And that was my first heartbreak with him.

Umiyak ako syempre sa bahay. Pero bago ako umuwi, napagdesisyonan nila na pumunta sa bahay namin kinabukasan.

Yun nga, pumunta sila, kasama si Ken.

Habanag binalatan ko yung mangga, lumapit siya sa akin at sinabi na siya na lang daw ang babalat. Kaya ayun, nag assume ako na baka gusto niya ako..  xD kasi baka ayaw niyang masugatan ako. xD

 kinabukasan duon kami ntulog sa kumbento dahil bukas ng madaling araw ang presentation namin. duon lang ako sa upuan tas di ako mapakali. lahat sila tulog na, tas maya2 lumapit siya sa akin at binigyan ako ng banig. may meaning kaya yun?

 after ng presentation namin, sabi nung leader namin, na parang kuya ko na rin na NAGSISI RAW SI KEN SA SINABI NIYA SA AKIN. NAHIHIYA NA RAW SIYANG KAUSAPIN AKO.

kaya ng assume na naman ako, na baka gusto niya na kaya ako?

at tinanong nila kuya si Ken kung bakit di niya ako liligawan?

sabi niya HINDI PA DAW PANAHON. anong ibig sabihin nun?

tapos sunday, pumunta na naman sila sa bahay namin. kasama si Ken.

sabi nila, na nung papasok na raw sila sa gate namin. sinabi raw ni Ken na "MY FUTURE HOUSE.."

naguguluhan ako sa kanya ate, ano nga ba ang meron siya na feelings para sa akin?  >...<

tapos in-add ko siya sa fb, yun nga accept niya ako. pero kinabukasan in-unfriend niya ako. naguguluhan ako sa kanya. gusto niya ba ako o hindi?

please help niyo po ako ate, need advice po talaga kung maniniwala ba ako sa mga pinapakita niya o sinsabi niya. kasi diba po actions speak louder than words?

 yun lamang po, sana matulungan niyo ako. SALAMAT.  :))

Advice: Totoo na action speaks louder than words. Kaya lang sa lagay naman nyang si Ken hindi mo alam kung ano ba talaga. Kasi dalawa ang action niya. Isa na nagbibigay ng motibo at isa na hindi.,

Sa totoo lang medyo mahirap bigyan ng advice ang sitwasyon mo. Kasi hindi natin alam. kasi dalawa ang pinapakita niya. Lalo na ung sinabi niyang wag ka ng umasa.

Siguro ang magandang gawin is iwasan mo siya ng pakonti konti. Hayaan mong magsisi siya ng konti na sinabi niyang wag ka ng umasa. Baka that way marealize niya kung ano ka ba talaga saknya. Kasi baka naguguluhan siya ngayon. At baka pag namiss ka niya ay baka marealize niya na gusto ka talaga niya.

Pero wag ka magassume. Alam mo kasi minsan ang mga lalaki pag nalalaman nilang gusto sila ng mga babae minsan nagpapakita siya ng motibo. dahil instant lover un para sa knila. Hindi na sila mahihirapan manligaw. ganun un.

Minsan kasi sila parang imbes na iwasan nila ay fliniflirt pa nila ang mga may gusto sakanila para mas lalong mahulog sa kanila tska nila ipapakita na hindi pala nila kayang mahalin. Minsan kasi ang gusto nila ay ung mauunder nila ung mga babae.

Siguro kung ako hindi na ako maniniwala saknya. Kasi kahit crush mo ang isang tao pero pinaglalaruan niya ang feelings mo ng ganyan. Masakit un. Lalo na ung sinabi niya sayo. Isipin mo bakit niya un sinabi? Ano ang gusto niyang iparating sa first talk niyo pa lang un agad ang sinabi niya. Grabe. Hindi niya alam kung gaano kasakit un.

Wag ka na lang muna masyadong magassume. Masakit kasi ung magaassume ka pero mali naman. At masakit din ung npaasa ka ng tao. Pero minsan kasi hindi naman natin iisipin na pinaasa tayo kung hindi tayo nagassume. Minsan kasi ginagawa lang ng mga tao ang pasweet nilang ganyan para lang hindi masyadong masaktan ang feelungs nung may gusto sa kanila.

or minsan sumasakay lang sila sa trip ng barkada. Alam mo wag ka muna magassume siguro kung ayaw mong masayado kang masaktan.  Or pwede ding iclear mo sa knya kung ano ba talaga bat ganun ang pinaparamdam niya sayo. At bat ganun ang kilos niya ang sinasabi niya. Kausapin mo siya magalaks ka ng loob na tanungin siya kung ano ba un bat nagbibigay siya ng motibo. Kailangan maging matapang ka. Ipakita mo saknya na malakas ka. kasi kung pinakita mong mahina ka baka maawa siya sayo at baka dahil dun iba ang masabi niya. Baka mas gustuhin niyang alagaan ka. At mahalin ka dahil sa awa. Alam kong walang may gusto na mahalin lang dahil sa awa. Kaya please lang maging matapang ka sa oras na tinatanung mo un. Tapos after pwede mo ng iiyak. Wag ka lang iiyak sa harap niya.. Goodluck,. Sana talaga malaman mo na kung gusto ka ba niya o ano.

By:YourWattyRebel

Date: April 24, 2014

ADVICE ni YWR para sayo. :)Where stories live. Discover now