Message: Ate advice nman po ulit :D. Yung Bestfriend ko po kasi umalis na lumipat na nga bahay pati ng school, pero sya lang po tlaga pinka true friend sakin halos lahat po sila iniwan na ko pwera lang sa kanya. Nung magkasama kami masaya pero ngayon di ko na alam kung pano na ako kung wla sya. Sya lang po kasi yung sandigan ko takbuhan ko pag may problema ako sya lang yung nagpahalaga skin. Nasanay na po kami na magkaramay sa lahat kasi wla po kming makakasama o maasahan kundi kaming dalawa lng diba nga po iniwanan lng kmi. Ngayon po iniwanan narin nya ako dla na rin ng pagkakataon pano po ako makakapagsimula mag isa ? Kung nasanay na ko laging nandyan sya. Parang di ko po maisip yung buhay ko kung wla sya ei. Di po madaling makahanap ng gnung ka true friend ulit eh. Kaso tadhana na po kasi nagpahiwalay samin.
Advice: Hello. Sa buhay natin hindi pwedeng masanay na lang tayo na may kasamang iba. Na may nagguguide satin lagi. Kailangan nating matutong magisa kasi sa reality magisa lang tayo sa journey natin. Hindi tayo pwedeng umasa na lang lagi sa kasama natin. Naiintindihan kita dahil ganun din akong tao ayaw ko ng magisa lang ako. Hangga't maaari may kasama ako. Ewan ko pero i feel so lonely pag magisa and nahihiya ba ganun. Kasi ayaw ko ng napapahiya ako sa harap ng mga tao ewan ko ba. Siguro ganun ka din. Hindi ko alam baka mas malala pa ako sayo. Pero when i entered college natuto akong maging independent. Natry ko ng magisang kumain sa restaurant, magisang bumyahe, magisang maglrt, magisang magmall, magisang maggrocery, Magisang magexplore, magisang pagaralan ung lugar na kung maaari lang ay gawin kong may kasama. Nung unang gabi ko nga naiyak pa ako pero finally natuto ako.
Alam ko na after nyan you'll gain new friends, basta hayaan mo munang magkaroon ng lakas ng loob ung sarili mo. Pagkatiwalaan mo ung sarili mo para matuto kang maging magisa. Para malaman mo ung mga dapat mong gawin.
Siguro right now kinakabahan ka. Alam mo ang dapat mong gawin, bukas isipin mo na "KAYA MO" at "PARA SA SARILI MO LANG DIN YUNG GINAGAWA MO" You wanna be someone else. Ayaw mo naman siguro isipin nila na mahina ka. Kaya IF i were you you should try to be yourself. Be yourself. Chin up, Chest out. Be proud na ganyan ka. Ayaw ka nilang friend pakita mo saknila kung ano ang namissed nila. Pakita mo na hindi mo sila kawalan kundi ikaw ang kawalan nila. Ganun lang kasimple. Life is simple sabi nga nila. Kaya wag nating gawin complicated.
Love yourself, stand for youself and ang pinakaimportante be yourself all the time.
By: YourWattyRebel
Date: June 8 2014

YOU ARE READING
ADVICE ni YWR para sayo. :)
RandomMay problema ka ba at kailangan mo ng tulong? kailangan ng suggestions? May mga gustong malaman? Punta ka dito, Baka matulungan kita. :) And thanks for @FakedReality for the wonderful coveer. :) Since Feb2014