Advice #39: Worth A Try or Not?

493 2 2
                                        

Problem/Situation: Ahm.. Hello po, Ate YWR. :)

Manghihingi lang po ako ng advice sa'yo.. binabasa ko po kasi yung mga advice na pinopost niyo! At pareho po tayo ng paniniwala na "Everything happens for a reason". Hihi.

Hm. Ganito po kasi yung problema ko. Hay.. naguguluhan na po kasi ako eh! (Sorry po kung medyo magiging mahaba 'to!)

Meron po kasi akong gustong lalaki. He's a long time friend. We're not that close dati pero these past few months (simula nung feb.. dahil sa JS) we got extremely close. Lagi kaming nagkakatext, lagi ko rin yun kakulitan.. Yung closeness namin, sobra! Kasi nag-oopen siya sakin. Basta po itanong ko.. kahit medyo personal.. sasagutin niya!

Then nag-iba yung tingin ko bigla! Parang ang cute cute niya. Lahat ng gawin niya, ang cute para sakin. Yung tipong.. pinapanood mo siya tapos mapapatawa ka na lang sabay bulong ng ang cute niya!  Isang araw, in-admit ko na lang sa mga kaibigan ko na.. crush ko nga yung lalaki na yun! Time passed and nadevelope. Gusto ko na siya..

Tas yun.. umamin ako sa kanya indirectly pero di siya naniwala! Imposible daw na magkagusto ako sa kanya.. Hindi po kasi siya gaanong kagwapuhan. Hindi siya pansinin at di siya masyadong kilala sa school. Lahat din po ksi ng nakarelasyon ko, either gwapo or sikat sa school. Di ko rin alam kung bat naattract ako sa kanya. I just do! I really like him. Dumating sa point na.. pati siya nagtapat na din sakin. Ako naman po ngayon ang hindi naniniwala dahil sa malalim na dahilan!

 Eto po ang problema! Yung boy po na yan, ex love interest nung kaibigan ko. (Mahal na mahal siya nung close friend ko na yun!) Ngayon po naka-move siya kaya d yun ang case.. Ang problema po kasi.. nagkagusto din po siya dun at somewhere in their relationship (MU po), bigla na lang di nagparamdam yung boy! (Di nagtetext, lumalayo.. mga ganun po) Sobra pong nasaktan yung kaibigan ko dun.. Nung katabi ko po nung minsan yung boy.. sinabihan ko po siya ng paasa (yung pabiro lang po) tapos nagulat po ako nung sabihin niya kung bakit nagkaganun.. Summary ng sinabi niya, "Hanggang kaibigan lang naman talaga ang tingin ko kay ______ eh.", "Akala ko nung una, mahal ko na din siya ang kaso hindi pala.", "Di ko naman inaasahan na magkakaganun, kaya nung nalaman kong gusto na niya talaga ko nagpasya na kong lumayo." (Paasa nga po ang labas niya.-.-) Yun po kasing boy, mabait po talaga yun! NGSB pa kaya inosenteng inosente sa pag-ibig.. Kaya po naintindihan ko yun! Nakakatanga nga lang po yung desisyon niya. Nasaktan friend ko. -.-

So yun po, dahil sakin siya nag-open yun po ang naiisip ko nung nagtapat siya. Lagi ko pong sinasabi sa kanya, "Pano kung mangyari ulit yun?".

Natatakot po kasi ako na maloko ULIT. Opo.. lagi po ako akong naloloko at nasasaktan. Nakakapagod na rin po eh. :(

 May problema pa po kami maliban sa trust issues.

LDR! Alam ko po nagpost na kayo ng advice na crush ng crush niya pero LDR sila pero gusto ko talagang malinawan.

Ako po kasi, marami nang experience sa relationships.

May isa po kong ka-MU dati.. bakasyon nun tapos may naging crush ako. Bigla na lang nun nawala yung feelings ko sa lalaki. Meron naman pong isa.. mahal na mahal ko po yun! Kaso nagbakasyon nga.. puro text lang kami kaya nafeel ko ko nagsasawa ako at unti-unting nawala yung feelings ko. Pero nung nakita ko siya, balik yung feelings ko. Ganun po ako pag LDR! Parang roller coaster ang nararamdaman.

Eh sinabi ko sa kanya yun, natakot naman po siya. Nagdadalawang isip ngayon siya kung tutuloy pa namin! Gusto ko at gusto niya ding ituloy pero pareho kaming natatakot.

ADVICE ni YWR para sayo. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon