Advice #44: Sweet sa text at Skype, pero pag Personal Wala NA

484 6 1
                                        

Problem/Situation: Pano ko po kaya sasabihin to. Manghihingi po ako ng advice may isang lalake po kasi nagkagusto skin lagi akong tinetext gnyan skype sweet sya dun pero pag harapan parang tropa lang ako sa kanya ano po ba tlga? Ngayon po feeling ko gusto ko lagi ko syang kausap naiinis ako pag may kausap syang ibang babae ayokong nwawalan kmi ng commu sa isang araw pero ngaun pakiramdam ko pamapalipas oras nlng ako sa kanya. Pano kaya maibabalik yung dati di nman ako naging cold sa kanya..

Advice: Alam mo kaya siguro parang tropa lang pag nakaharap ay dahil sa TORPE siya madaming guy na ganun eh. Na hanggang text lang, call, video call. pag harapan na wala na. Parang normal lang minsan pa hindi ka pinapansin na parang hindi ka kilala pero sweet kayo sa text. Minsan kasi ganun talaga

Pero hindi din natin alam kasi pwede naman kaya siya ganun ay dahil wala lang may mga lalaking sadyang FLIRT lang. (Sorry for the word) Pero ganun talaga eh. Meron mga wala lang magawa kaya ka kinakausap, wala magawa kaya ka pinaglalaruan. Minsan hindi tayo dapat bsta basta maniwala sa mga galaw ng mga lalaki. Kasi minsan hindi totoo. Masakit din kasi un eh. Ung nainlove ka pero wala lang pala.,

Feeling ko din gusto mo na din siya kasi nagseselos kana eh. Pero mukhang hindi dapat. Hindi dapat dahil wala namang kayo. Hindi clear kung ano ba kayo.

Paano ba kayo dati? Kung gusto mong maibalik ung dati kausapin mo siya sabihin mo sakanya ung nararamdaman mo na parang iba na. Na parang hindi na gaya ng dati.

Pero kadalasan pag nagiba na hindi mo na maibabalik kung gaano kayo kaclose dati. Kahit na anong gawin mo wala na. Nasira na kasi minsan eh. Kaya hindi na kayang ibalik sa dati. Hindi naman parang goma yan eh paghinila mo tas binitawan mo babalik sa dati. Minsan nga hindi siya gaya ng dating dati dahil medyo nastretch na siya.

kaya ganun din sa friendship or sa love. Minsan hindi mo an maibabalik pero minsan kaya pang ayusin.

Siguro kausapin mo na siya habang maaga pa. tanungin mo kung ano ba talaga kayo para kung tropa lang ay makapagisip kana at makapagmove on. Para hndi kana umasa. Masakit ngayon pero mas masakit yan pag tumagal.

By:YourWattyRebel

Date: April 29 2014

ADVICE ni YWR para sayo. :)Where stories live. Discover now