(Therese's POV)
Sinapo ko ang aking ulo pagkaupo ko pa lamang sa harap ng aking lamesa. Katatapos ko lang magturo at kasalukuyang nag-aayos na rin ng gamit ang grade six pupils sa section ko. Naghahanda na ang lahat dahil uwian na.
May dalawang buwan na rin akong class adviser ng Grade VI-St. James at masasabi kong nakapag-adjust na rin ako. Noong una, akala ko hindi ko matatagalan ang mga bata. Palibhasa ay nasa private school kami. Hindi maiiwasang magkaroon ng mga maldita at pasaway na estudyante. Isang linggo rin akong hindi pinatulog ng bago kong trabaho.
Idagdag pa ang sitwasyon namin ngayon ng aking kapatid.
Naging masyadong abala si Zia pagkatapos ng outing sa Quezon Province kaya hindi na kami masyadong nagkakausap. Hindi na rin kami masyadong nagkikita dahil hindi ko rin basta-basta naiiwan ang pagtuturo habang siya ay kaliwa't kanan ang activities. Kinausap ako ni Perry na kung puwede ay kumuha na lamang si Zia ng condo unit para hindi na siya magbibiyahe pa nang malayo to attend her responsibilities.
Pumayag na lamang ako. Binigyan naman siya ng kasama. Sa yumayabong na career ng kapatid ko, mas makabubuti ngang sa condo na lamang muna siya tumuloy. Sunod-sunod kasi noon ang grupong pumupunta sa bahay. Dahil nga nagkakaroon na siya ng pangalan bilang performer, dinudumog kami noon ng mga tao. For safety and security reasons na lang din para sa kanya kaya ako pumayag kay Perry.
"Tara na, Ma'am Reese!" wika ng isa kong co-teacher na sumilip sa bintana ng aming classroom.
Tumango naman ako saka ngumiti. "Susunod po ako, Ma'am Carol."
Kumaway na siya at lumakad na palayo. Inayos ko na rin ang mga gamit ko sa desk. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo nang ako'y tumayo ngunit hindi ko na iyon ininda. Mukha yata akong lalagnatin. Mabuti na lamang at Biyernes dahil makakapagpahinga ako. May show daw si Zia kaya wala rin akong daratnan sa condo kung pupunta ako.
Nang nasa ayos na ang lahat pagkatapos kong maglinis nang kaunti gaya ng aking nakasanayan kapag nakalabas na lahat ng aking mga estudyante, lumabas na rin ako ng classroom. Mabigat talaga ang pakiramdam ko. Para akong naglalakad sa hindi patag.
Dumaan muna ako sa principal's office para magpaalam kay Mrs. Andam saka ako dumiretso palabas ng gate pagkatapos kong makapag-time out. Sakto namang tumunog ang aking cell phone.
"Zia? Kumusta na ang pop star ko?" Sinubukan kong lagyan ng sigla ang aking boses. Para kasing pagod na pagod ako.
"Ate ko! Miss na miss na kita! I love you, ate ko! One month na tayong hindi nagkikita. Happy Monthsary, este Lonely Monthsary pala!" sagot niya sa kabilang linya.
Napangiti naman ako. Hindi ko na araw-araw nararanasan ang kanyang kakulitan. "Miss na kita, Zianna."
"Mas nami-miss po kita, ate. I love you. Kakain ka lagi on time ha? Mag-lock ka saka double-lock. Inaangkin kasi ako masyado ng SME pero mas mahal kita. Okay?" Alam kong pinipilit niya ring maging masigla pero narinig ko ang kanyang mahinang paghikbi.
Namasa rin ang aking mga mata. Masyado kasing naging mabilis ang kanyang pagsikat. Nakakalula sa ganda at ayos ang kinalabasan ng kanyang career.
"Ikaw pa rin ang pinakamaganda sa mundo, ate ko..."
"Oh, oh. Umiiyak ka palagi kapag tinatawagan mo ako. Sabihin mo sa akin kapag pinapagalitan ka."
"Hindi! Miss lang kita. Beastmode ka na naman agad."
Narinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Hudyat na naman iyon na kailangan na naming tapusin ang tawag.
"Ate, tatawagan kita ulit. Kailangan na kasi ako."
YOU ARE READING
Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]
RomanceBigo sa kanyang unang pag-ibig si Therese kaya naman mas pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pagtulong sa kanyang kapatid para maging isang ganap na singer. Sa kanilang pakikipagsapalaran para matupad ang pangarap niya para kay Zia, doon naman...
![Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/110844627-64-k40450.jpg)