♡ 14 ♡

302 25 85
                                        

(Therese's POV)

Mas magaan na ang aking pakiramdam pagkagising ko kinaumagahan. Palibhasa weekend kaya naman mas matagal akong nakatulog. Nagpalit ako ng pambahay pagkabangon ko sa kama. Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok saka na lumabas ng aking silid.

Wala si Sebastian sa sala pero naririnig ko ang kanyang boses. Nasa labas lang siguro siya at baka may kausap sa cell phone. Sa mahabang sofa lang siya natulog kagabi. Hindi na siya umuwi sa kanila.

Dumiretso naman ako sa kusina para makapaghilamos. Napansin ko namang may nakahandang pagkain sa lamesa. Napangiti ako nang makita ang mga sunog na hotdog. Sinilip ko naman ang kasama ko pagkatapos ko sa lababo. Nasa bakuran nga siya. Tumayo lang ako sa may pinto.

Naulinagan ko ang kanyang sinasabi habang siya'y nakatayo sa may balkonahe.

"Go on with the radio tour today but don't release the check of RS yet. Hangga't walang explanation letter 'yang drummer nila, pending ang tseke."

Hinayaan ko na lamang siya at ang kausap sa cell phone. Bumalik ako sa kusina at naghanda pa ng ibang ulam. Naglabas ako ng lata ng corned beef mula sa cupboard at iginisa ito. Nang matapos ako ay pumasok na rin siya. Dumiretso siya sa akin. Bahagya naman akong napakislot nang yakapin niya ako mula sa likod.

"Oh, you don't want to eat my hotdog. That hurts," wika niya sabay halik sa aking buhok.

Bigla namang nag-init ang aking pisngi. "Kung ano-ano'ng sinasabi mo. Hindi maganda sa pandinig."

"Wala. Ikaw lang ang green-minded kamo. Ang wild mo talagang mag-isip." Humiwalay naman siya sa akin saka nauna nang naupo sa harap ng hapag.

Sumunod naman ako pagkatapos kong maghugas ng kamay. Nagsimula naman akong kumain pagkatapos malagyan ng kanin at ulam ang aking pinggan.

"Ang liit mong tao pero ang lakas mong kumain," komento ng kasama ko. Tumayo rin siya at nagtungo sa lababo. Narinig kong nabuksan ang gripo kaya malamang naghugas din siya ng kamay. Hindi naman ako nagkamali. Pagkabalik niya sa upuan ay kumain din siyang nakakamay kagaya ko.

"Sebastian, hindi mo naman kailangang magka--"

"Can you guess what my nickname is?" putol niya sa sinasabi ko.

Nagsalubong naman ang aking mga kilay. "Ha?"

"Hulaan mo." Sumubo siya saka dumampot ng isang hotdog. Itinaas niya ito. "Ayaw mo talaga ng hotdog ko?"

Hinampas ko naman siya agad sa braso. "Ang bastos nito!"

Tumawa lang siya nang malakas saka iniwan ang hotdog sa aking plato. "So, what's your first guess? What's my nickname? You only have three attempts, okay? Kapag wala sa tatlo, magde-date tayo."

Isinubo ko naman ang pinirito niyang ulam kahit pa sunog ito.

"You ate my hotdog! How cool!"

Inabot ko naman ang isa niyang paa sa ilalim ng lamesa saka inapakan. "Isa! Marinig ko pa 'yan, lagot ka na!"

"Hotdog. My hotdog," nang-aasar niyang wika. Nakangisi pa talaga ang kumag.

Inirapan ko naman siya. "Umuwi ka na nga!" singhal ko sa kanya.

"Ano nga? First guess?"

Napaisip naman ako pagkatapos kong inumin ang laman ng aking baso. "Basti?"

Umiling naman siya. "Nope. Pangit naman no'n. Two more. Two more." Lumapit siya sa akin saka tumabi. Kinuha niya ang mga paa ko saka sila ipinatong sa kanyang kandungan. "Next?"

Isinandal ko naman ang aking likod sa upuan saka humalukipkip. "So hindi rin Baste?"

Umiling na naman siya. "I consider that one a bonus but never."

Sean and Therese (TLA #3) [ON-GOING]Where stories live. Discover now